"Ah, focus, Asthrea. Focus!"
Hinagis ko ang ballpen na hawak. "Nakakainis!"
Hindi ako makapag-concentrate sa pinag-aaralan ko dahil paulit-ulit sumisingit ang pagmu-mukha ni Taki sa utak ko! Nas-stress na ako!
Tatlong araw na kaming nag-iiwasan. Hindi ko alam kung paano naging gano'ng ka-tagal ang hindi namin pagpa-pansinan. Hindi ko alam kung paano ako nakatiis na hindi siya lapitan.
Ang alam ko lang, okay siya ng wala ako.
Syempre, 'yong mga past problems nga niya ay nakaya niya, paano pa kaya 'tong simpleng tampuhan keneme naming dalawa? Of course, he can!
Dalawang araw pa bago ang araw ng exam. Dalawang araw pa, two days na lang.
Huminga ako ng malalim at muling binalikan ang binabasa ko. Pagkalimot ko ng ballpen ay saktong nag-ring ang phone ko kaya hinanap ko agad.
Tinago ko 'yon para hindi ako ma-tempt na tawagan o i-text si Taki. Nakakatukso kaya!
"Oh my go- aray!"
Napahawak ako sa ulo kong nauntog sa biglaang pagtayo. Nagulat lang naman ako nang makita ang pangalan ng hapon na 'yon sa screen ng phone ko!
Pinag-iisipan ko pa kung sasagutin ko ba o hindi pero huli na dahil napindot na ng daliri ko.
["Asthrea..."]
His voice again.
Parang kagigising niya lang, alam mo 'yon, medyo husky. Ngayon ko lang naalalang alas-onse na nga pala. Baka nagising lang siya bigla.
["Glad you answered,"] He added.
Wala sa sariling napangiti ako. "Uh, of course... It's you..."
I heard his soft chuckles. Ah, this man is killing me.
["How's reviewing?"] Tanong niya.
"Not going well, e." Natatawang sagot ko. ["Hmm, why?"] Masuyong ani niya.
Ang lakas makarupok ng tono ng boses niya ngayon. "Iniisip kasi kita."
Natauhan lang ako nang ma-realize kung ano ang sinabi ko. Nataranta ako at nauntog na naman sa pangalawang pagkakataon. Mahina ang napa-aray pero nilayo ko ang bibig sa phone ko para hindi niya marinig. Argh!
"I mean- iniisip ko kung nagre-review ka rin ba, kung paano ang exam mo kung kagagaling mo lang sa mahirap na sitwasyon, 'di ba..." Paliwanag ko.
Nasasanay na akong mag-palusot, hindi na 'to maganda.
["Yeah, I got it."]
Natahimik ang magkabilang linya ng panandalian.
"Kamusta ka?" Basag katahimikan ko.
["Ayos lang ako, ikaw?"] Sagot niya.
"Mabuti,"
["Are you reading your notes? Uhm, sorry for disturbing you. I just can't stay on this situation, I want to be with you so bad. Again, sorry for breaking our agreement."]
Hindi na ako nakasagot sa dire-diretsong pagsasalita niya.
Gusto ko pa siyang maka-usap! Pero wala naman kaming pag-uusapan. Isa pa, late na rin.
["Goodnight, Asthrea... Thank you for making my day..."]
The call ended.
"Goodnight, Taki. Thank you for completing my life..." I whispered as if he's still in the line.
Natapos ang gabi ko ng may ngiti sa labi. Hindi na ako nakapag-review matapos niya akong tawagan, ang alam ko lang, nasa mood ako ngayon araw.
Araw na ng exam ngayon.
Pagkatapos nito, pwede na ulit kaming magsama, 'di ba? Ang tanga ko naman kasi para sabihin 'yon, naging dahilan pa tuloy ng kasunduan keneme namin.
Noong nakaraang dalawang araw, hanggang ngitian lang kaming dalawa. He didn't let himself to walk towards me and disturb me for reviewing my notes.
Ang galing niyang tumupad sa kasunduang ginawa niya. Muntik na nga akong hindi makatiis noong isang araw, buti at napigilan ko ang sariling huwag siyang puntahan.
Ang wirdo ko talaga these past few days, pati ako ay nagdududa sa ikinikilos at iniisip ko. Siguro nga, tinamaan na ako.
"Good morning,"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Taki sa tabi ko.
"Morning, Pres." Bati ko pabalik.
Nginitian niya ako at nilagpasan na. "Goodluck sa exam!" Sigaw niya pa.
"Ikaw rin!"
Ito na naman ang nakaka-tangang ngiti matapos makita at marinig ang boses niya. Ginanahan tuloy akong mag-exam sa simpleng goodluck ng lalaking iyon.
Akalain mong nakaya kong matapos ang 60 items sa exam sa unang subject ng 20 minutes lang kahit one and a half hour ang ibinigay na oras sa amin.
Hindi ko alam kung pasado ang score ko doon, pero siguro naman ay oo. Ilang araw akong nag-review, masasabi kong may natandaan naman ako kahit hindi nakapag-focus ng ayos.
Natapos kami sa tatlong subject ngayong umaga, dalawa pa mamayang hapon. Nasa cafeteria ako ngayon at nagpapakabusog matapos ang maganang umaga.
Wish me luck, sana ay tama talaga ang mga sagot ko kahit ang bilis kong magsagot. Hindi lang mga kaklase ko ang nagugulat, pati ang mga professors ko sa bilis ko matapos.
Thanks to Nishimura Takeshi.
Pagkatapos kong kumain ay nagbuklat ulit ako ng notes para sauluhin ang mga kailangan para sa dalawang subject mamaya na ite-take ko pa
"Sigurado na ba sa sagot?"
"Opo, Sir."
Nag-inat ako matapos makalabas ng room. Katatapos ko lang sa huling exam ko. Maaga ako ng isang oras na uuwi ngayon kumpara sa oras ng uwi kapag walang exam.
"Bilis, ah. Already done taking exams?" Sumulpot na naman siya.
I nodded. "Yep. Ikaw, tapos na rin?" Tumango lang rin siya.
Nagke-crave ako sa ice cream.
"7/11 tayo, may alam ako na malapit lang dito." Aya ko sa kaniya.
"Libre?" Nangingiting tanong niya.
Napanguso naman ako. "Oo na," Ako nag-aya, e. Tumawa naman siya.
"Just kidding, sagot ko na."
Napatigil ako ng bigla niya akong inakbayan.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Gayon din ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Sa simpleng pag-akbay ay naghuramentado na agad ang buong sistema ko.
Hindi man lang ako maka-imik habang naglalakad kami. Naiilang ako na ewan sa posisyon namin ngayon. Tanging tango at iling lang ang nagawa ko.
Ilang minuto pa at nakarating rin kami sa paroroonan. Nakahinga ako ng maayos ng alisin niya ang braso sa balikat ko, ang weird kasi medyo nanibago agad ako.
Pumunta ako sa counter. Ice cream sa mainit at nakakauhaw na pangyayari kanina lang.
"Ice cream o ako?" Alok niya, nakangisi pa.
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
RandomSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...