Sem-break na dahil mag-uundas na naman.
Mugto ang nga mata nagmulat ako. Masakit ang ulo at katawan. Randam ko ang mainit na singaw ng katawan. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman ang sarili.
Lagnat ako. Naulan at natuyuan nga pala ako kagabi.
Kumalam ang sikmura ko. Naalala kong isang beses nga lang pala ako kumain kahapon, noong umaga pa. Alas-otso na ng umaga, gutom na ako.
Bumangon ako at mabagal na naglakad patungong kusina. Ang sakit ng buong katawan ko, sumabay pa ang ulo ko.
Bumuntong hininga ako, cup noodles na lang. Paubos na ang stock ko ng pagkain, ayoko na ring magluto ng pagkain kaya cup noodles na lang, dalawa.
Inintay kong lumambot ito, tumulala lang ako sa kawalan pagkaupo sa mesa. Nakaramdam ako ng lamig kaya kumuha ako ng kumot. Lumabas ako ng kwarto na balot na balot nito.
Kinain ko ang noodles at humanap ng gamot. Sa kasamaang palad, ubos na. I sighed, hihintayin ko na lang siguro kung kailan ako gagaling, ayokong lumabas.
Bumalik ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Para akong mamamatay na sa nararamdamang kong sakit ngayon. Hay, sana nga pumanaw na.
Hindi lang sakit na pisikal, pati na rin emosyonal. Bakit hindi na lang ako kunin ni Lord?
Ipinikit ko ang mata ng maramdamang nanginginig ako sa lamig. Wala naman kaming aircon, patay ang electricfan at sarado rin ang buong bahay pero grabe ang lamig.
Nakatulog rin ulit ako kalaunan. Nagising lang ako ng may marinig na kumakatok sa pinto, naka-lock pa nga pala. Pero kung si Taki 'yan, pass muna. Masakit pa masyado.
Hindi ko ito pinansin at pumikit ulit. Mariin akong napapikit ng hindi ito tumigil sa pagkatok sa pinto ko. Masisira na! Hindi pa ba siya nangangalay?!
Padabog akong bumangon kahit halos hindi ko na kayanin. Naglakad ako ng mabagal paountang pinto para mapagbuksana ng tarantadong kumakatok.
"Ano ba?!" Bungad ko.
Sabi na, it's Taki. "Asthrea..."
Hindi mo ako madadala sa pa-ganiyan mo. Isasara ko na sana ang pinto ng iharang niya ang braso niya.
"Please, huwag. Usap tayo, ayusin natin..."
Tinitigan niya ako. Nag-iwas ako ng tingin, baka mahalata niyang hindi ako okay ngayon at magpumilit pa lalong pumasok.
"Are you sick?"
Hindi ko siya sinagot. Lumubay ang pagharang niya kaya kinuha ko na ang pagkakataong isarado ang pinto. Sumandal ako doon, hinhintay kung kakatok ba siya ulit.
Nang mawala ang katok ay bumalik ako sa kama para magpahinga. Pagod na pagod pa rin ako.
Nagising ulit ako nang maalimpungatan. Ramdam ko na may hunahagpos sa buhok ko. Hindi ko alam kung nangangarap lang ba ako o narito talaga si Taki sa tabi ko.
Iminulat ko ang mga mata. Confirm, narito nga siya. Paano siya nakapasok? Ni-lock ko 'yong pinto- ni-lock ko nga ba? Hindi yata.
"A-Anong ginagawa m-"
"Shh. Rest, Asthrea, take a rest..." He whispered.
Nabalik ako sa tulog. Alas-dose na ng magising ulit ako. Nilingon ko ang paligid at wala namang Nishimura Takeshi akong nakita. Nananaginip lang ba ako kanina?
Nagkibit balikat na lang ako at bumangon na. Nagugutom na naman ako. Ano naman kaya kakainin? 'Yong madali lang sanang iluto kasi hindi ko pa talaga kaya.
Nawala na ang sakit ng ulo ko pero mga binti ko naman ang kumikirot ngayon. Ang sakit tuloy lalo bago ako makarating sa kusina kaya napasimangot ako.
Bumuntong hininga ako. May mangkok sa lamesa. Wala naman akong iniwang mangkok kanina, ah? Nag-noodles ako, 'di ba?
Nang lapitan ko iyon, isang mangkok lugaw ang nakita ko. May nakalapag pang papel na may sulat sa gilid noon na agad ko namang kinuha para basahin.
I just want to say that eat this, Asthrea.
I know you don't want to talk and see me right now. Let's talk kapag magaling ka na, I will explain everything kaya palakas ka agad.
I also buy you medicines, naubos ko nga pala 'yong gamot na dala mo noon kaya naisip ko na baka wala kang supply so here you go.
Take a rest, my babi.
— Takoyaki <3
Doon ko lang napansin ang gamot sa kabilang side ng mangkok. Isang banig ng biogesic.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Alam niya. Alam niyang nakita ko sila kagabi, alam niyang hindi ko siya gustong makausap at makita. Alam niyang may kasalanan siya but he still care for me.
Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano. Pagod na ang isip ko kaya hayaan mo na. Kinain ko na lang ang pagkain na galing kay Taki ng walang alinlangan.
Nagkuha muna ako ng temperature, 38.4, mataas pa rin. Uminom na ako ng gamot pagkatapos bago pumunta sa sala. Baka lalong hindi ako gumaling kapag puro higa.
"Thea,"
May kumatok sa pinto, si Jeydie. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.
"May sakit ka raw? Kamusta? Tingin nga," Agad niyang bungad.
Inabot niya ang leeg at noo ko para dampian ng likod ng palad niya. Nag-iba ang itsura niya matapos iyon.
"Ang taas ng lagnat mo."
"Alam ko."
Umupo kami parehas. Nilapag niya ang dala niyang paper bag sa center table.
"Uminom ka na ng gamot?" Tanong nito.
Tumango ako. "Oo, ngayon lang."
He frowned. "Kailan pa ba 'yan? Anong nangyari at nagkasakit ka, ha?" Usisa niya pa.
"Kaninang umaga. Naulanan lang ako kagabi saglit." Walang ganang sagot ko.
Umiling-iling naman siya. "Pasaway na bata."
Gaganiyan-ganiyan lang 'yan pero alam kong nag-aalala siya. Hindi niya lang ipinapakita kasi hindi naman talaga siya gano'n. Hindi showy na tao si Jeydie Chua.
Ang laman pala ng paper bag na dala niya ay pagkaing niluto ni Tita- ng Mama niya. Dumaan raw si Taki sa kanila para ibilin ako, may gagawin lang raw ang dahilan ni Taki.
"Magka-away ba kayo?"
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
Nasa kwarto ko kami ngayon. Matutulog sana ako pero sabi niya ay babantayan at sasamahan niya raw ako. Daldal siya ng daldal kaya hindi ako makapagpahinga.
"Ni Taki!"
Hindi ko siya sinagot.
"Weird lang. Alam niyang may sakit ka, ikaw na nag-iisang bestfriend niya. Dapat inaalagaan ka niya ngayon, ipagpapaliban niya ang gagawin niya para sa 'yo." Aniya.
Mahina akong natawa.
"Bakit niya naman gagawin 'yon? Kaibigan lang ako. Mahalaga pa rin 'yong mga kailangan niyang gawin." Paglilinaw ko.
"Dahil mahal ka niya, Asthrea."
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
De TodoSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...