"Uh, do I really have to do this?"
Nang makita ang hindi maipaliwanag na huitsura ni Aryes sa 'di kalayuan, napaiwas ako. She looks like in pain while looking at us, having our own time.
"Please? Isipin mo, para sa akin."
He sighed, raised his hand as a sign of defeat. "Okay, okay. Goodbye..."
He kissed my forehead and wave his hand as he walk away. I watched him walked towards her. After I saw Aryes' genuine smile, I fekt that I ddi the right thing. Kahit ang martyr tingnan.
"Have fun..." I whispered.
Habang pinagmamasdan siyang umalis kasama si Aryes, hindi ko mapigilang masaktan.
Paano ko nagawang hayaan siyang umalis kasama ang dating kasintahan? Paano ko nagawang tulungan ang babaeng karibal ko sa puso ng lalaking mahal ko?
Ito na. Ito na ang kinakatakutan ko. Kung ano-anong impulsive decision ang nagagawa ko dahil sa pesteng pagmamahal na 'to.
Hindi ko na alam. Hindi naman 'to gusto ni Taki pero pinilit ko pa rin siya dahil hindi ko maatim na iwan sa ere si Aryes na humihingi sa akin ng tulong.
Ayokong... ayokong ipaubaya si Taki. Pero nasasa-kaniya naman kung sino ang pipiliin niya.
Naniniwala akong hindi gagawing batayan ni Taki ang ng pinagsamahan nila at sa kung anong mayroon kami sa paggawa ng desisyon sa problemang ito.
Months ago, si Aryes pa. Pero posible namang mapalitan, 'di ba? I didn't help him to moved on for me to have a chance. I help him just because I wanted to, wholehearted.
I stay because I promised to, not just because he needed me. I did everything for him without thinking twice. I am always and forever by his side.
Kung ano ang nakatadhana sa aming dalawa, tatanggapin ko.
"Hinayaan mo na lang na gano'n? Asthrea naman!" Singhal ni Jeyd sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. "Wala naman akong magagawa." Mahinahong sagot ko.
"Meron. Meron! Tumanggi ka na dapat una pa lang!" Bwelta niya pa.
Napairap na lang ang mga mata ko.
"Hayaan mo na. Nangyari at tapos na, oh."
Inirapan niya rin ako. Hindi na siya nagsalita at tinabihan na lang ako sa sofa. Tinititigan niya ako kaya medyo nakakailang, alam ko ang iniisip niya. Edi ako na tanga.
"Asthrea," Tawag niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
Napayuko ako. "Alam ko, Jeydie. Alam ko." Mahinang sabi ko.
He chuckled. "Hindi 'yon, ano ka ba. Bakit ko naman iisipin 'yon sa 'yo na kaibigan ko?"
"Kasi naman-"
Hinila niya ako palapit at sinalubong ng yakap. Nagulat ako at hindi agad nakaganti.
"Narito lang ako palagi. Kapag sinaktan ka niya, igaganti kita. Kapag niloko ka niya, sa akin, magsumbong ka. Kapag iniwan ka niya, sa akin ka pupunta. Hmm?"
Unti-unti akong napangiti. Napakagat ako sa labi nang mapagtanto kung gaano ako ka-swerte sa buhay sa kabila ng lahat. Mayroon akong sila. Niyakap ko siya pabalik.
"Thank you... sobra." I whispered.
He caressed my hair and give me a peck on my temple. Minsan lang siya maging ganito, nakakatuwa.
"Tungkulin ko 'to bilang kaibigan mo. At walang alinlangan kong gagawin palagi." Pahabol pa niya.
Buong araw, pinilit kong hindi mag-isip ng kung ano-ano, pinilit kong hindi magsisi sa ginawa ko.
I did everything para malibang ako. Kapag kasi nakatunganga lang ako at walang pinagkaka-abalahan ay siya lang ang naiisip ko. Kahit ngayon lang sana, mawala siya sa isip ko.
Napabaligwas ako ng higa ng marinig na mag-vibrate ang phone ko ng ilang beses. Napatigil rin ako agad bago ko pa madampot ang phone ko.
Should I open it? Paano kung galing kay Taki 'yong message? Argh, bahala na.
From: Takoyaki
Imy. I'm goin' crazy here.
I badly want to go home :(
Gusto ko nang umuwi sa iyo...
Hay, Takeshi. Please lang, lubayan mo ako kahit ngayong araw lang.
Bumalik ako sa pagkakahiga at tumitig sa kisame.
Sana malinawan ka sa pamamagitan nito, Taki.
Nakatulog ako matapos magtanghalian at nagising ng bandang alas-tres y media na. Maraming message galing kay Taki ang bumungad pero hindi ko pinakaabalahan.
He should take this time to be with Aryes pero kung ano-ano ang ginagawa at iniisip niya.
Hindi ko alam kung paano ako nakahintay. Ang alam ko lang, kababasa ko lang ng message niya na pauwi na raw sila. May 'sa wakas' pa sa text niya. Excited.
Iniintay ko siya sa labas ng bahay ko. Hindi ko nga alam kung tama ba 'to pero why not? Gusto ko lang naman siyang masulyapan man lang bago matapos ang araw.
Quarter to 8 na nang may tumigil na puting sasakyan sa bahay ni Taki. They're here. Yeah, sa wakas.
Nagmamadaling bumaba si Taki na sinundan naman ni Aryes. Hahakbang na sana si Taki paalis ng pigilan siya ng babae. Tinitigan pa niya ito bago gawin ang balak.
They kissed again. Sa harap ko na naman..I sighed. Tumayo na ako at pumasok. Hindi ko na kayang manood sa kanila na nagpapakasarap sa ginagawa ngayon.
Hindi ko alam kung galit ba ako o ano. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako. Wala akong maramdaman. Gusto ko na lang biglang nagpahinga, itutulog ko na lang lahat.
"Asthrea, babi..."
Hindi na ako nag-abalang pagbuksan pa siya ng pinto. Ilang minuto na mula nang dumating siya pero ngayon lang niya ako kinatok. Masyado siguro silang napasarap.
Hinayaan ko siyang kumatok ng kumatok hanggang sa mapagod. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang matulog kahit ang ingay-ingay niya sa labas.
Napaatras ako nang pagbukas ko ng pinto ay kasabay ng pagtumba ni Taki sa sahig. Ah, gosh, he did sleep outside my house?!
"Taki," mahina kong tinapik ang pisngi niya.
"Taki, gising. Ano bang ginagawa mo riyan?"
Kalaunan ay nagising rin siya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa sahig at nagkusot ng mga mata na parang bata.
"Hmm, you didn't open the door last night. I just want to say goodnight and give you a peck," He said.
Napaawang na lang ang labi ko. "Insane." I whispered.
"Oo, sa 'yo..." He chuckled lazily. I rolled my eyes on him.
"Tumayo ka na nga riyan. Dalian mo,"
Pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Umupo kaming dalawa sa sofa at ilang sandali ring natahimik.
"What happened?" I asked after a while.
"Huh?" Napairap ulit ako. "Yesterday."
Napakamot siya sa batok at yumuko pa, nagpipigil yata ng ngiti.
"Well, yeah... I've been thinking about you all day..."
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
De TodoSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...