≠ 06

12 4 0
                                    

"Election for class officers muna tayo, mamayang hapon ang election for student council's officers para may pagpipilian o pagbobotohan."

Napasimangot ako.

I don't want to have the responsibilities again as an student council's officer. Nakakapagod na, pahinga na muna sana ako. Total, SH na rin naman.

Let the juniors lead the campus, para matuto.

"Anyone, nominate a student for class officer's President."

"Si Vinzon po!"

Sa akin na naman napunta ang trono ng pagiging class President. Title holder since elementary, huh.

Naging mabilis naman ang botohan dahil halos magkaka-klase lang rin naman kami noong mga nagdaang school year, konti lang ang nabago sa posisyon.

Wala kaming klase ngayong hapon pero dahil officer ako at may election pa mamaya, hindi pa ako pwedeng umuwi. Before 1:30 pm naman siguro ay tapos na ang botohan.

Sa tapat ng Dean's office ako tumambay, may klase pa si Jeyd kaya wala akong kasama. Hindi ko alam kung officer ba siya. Nanood na lang ako ng k-drama habang inaantay na mag-umpisa ang botohan.

Si Taki, President ng section nila? Seryoso?

Ang tahimik na lalaking 'yon, Presidente ng room nila? Sino naman kaya ang nag-nominate sa kaniya? Wala naman siyang kaibigan o ka-close sa mga kaklase niya.

Pinagmasdan ko lang siya mula sa pwesto ko. Pinagmasdan ko siyang lumayo sa mga kasama niya. Tumaas ang dalawang kilay ko nang mapansing parang may hinahanap siya.

Ako ba? Vuala, our eyes met. Pasimple pa siyang lumapit sa akin. Wow ha, close ba tayo, Mr. Nishimura?

"Naligaw ka?" Tanong ko.

"What?" He frowned.

Umayos ako at nagpigil ng tawa. "Sabi ko, kung class officer ka rin?" Pag-iba ko sa tanong kanina.

"Yeah, elected as president, tsk." Sagot niya na parang labag sa loob pa.

Same, Taki, same.

"Okay, let's start." Dean entered the room.

Umayos ang lahat at itinuon ang atensyon sa kaniya.

"Magbibigay kayo ng tatlong pangalan sa inyong naririto na tingin niyo ay karapat-dapat sa mga posisyon. Kung sino ang may pinakamaraming boto, automatic na siya na ang sa posisyong iyon." Paliwanag nito sa sinang-ayunan ng lahat.

"For President?"

Tumayo kaagad ako para mag-rekomenda.

"Si Taki po," Pigil ngiting sambit ko.

Sinulat nito ang pangalan ni Ni-ki sa bored. Agad namang naka-ganti ang katabi ko.

"I'll vote for Miss Vinzon, Sir."

Napairap ako. Wala nang ibang nagpresinta. Karamihan sa officers na naririto ay babae at dahil gwapo si Taki, siya ang nanalo dahil karamihan sa mga babae ay siya ang ibinoto.

Nice one.

"Nishimura Takeshi as student council's President, year 2021-2022." Dean announced.

"Vinzon Asthrea as Vice President."

"Chua Jeydie as Treasurer."

The election went smooth. Grade 12 student ang naging Secretary this year. Ang iba ay grade 8-10 na, walang nagpresintang grade 7 ngayon.

Si Jeydie ang treasurer, last year rin. Ipagmamayabang na naman noon ang perang hindi naman sa kaniya kapag may contribution para sa events.

"Uwi ka na?" Habol ni Jeydie nang makitang paalis na ako.

"Hmm, wala kaming klase." Sagot ko.

Pinat pa nito ang ulo ko. "Ingat."

Tumango na lang ako at naglakad na.

Nagulat ako ng biglang humawak sa balikat ko. 'Yong hawak na parang sa horror, tapos paglingon mo aswang o multo na pala. Pero umaga naman ngayon, tao lang 'yan.

"Taki?"

Anong ginagawa niya rito? May klase pa yata sila, ah. Quarter to 2 pa lang.

"Where are you going?" He asked.

"Wala na akong klase. Bumalik ka na sa room niyo, baka hinahanap ka na." Sabi ko.

"I'll go with you, wait, I just get my things."

"Pero—" Tumakbo na agad siya pabalik sa room niya.

Grabe, bastusan. Lagi na lang niya akong hindi pinatatapos magsalita.

Inintay ko na lang rin siya sa may lilom, baka magalit pa. Magka-cut ba siya ng classes? Kabago-bagong halal na Presidente, nangunguna mag-cutting. Ayos 'yan, Nishimura.

Napanguso ako. Ang tagal naman niya. Ilang minuto na ang nakalipas, oh. Nakauwi na sana ako at natutulog na ngayon kung hindi niya ako hinarang.

"Let's go," Aniya at hinawakan pa ako sa palapulsuhan.

Wow, close kami? "Ang tagal mo." Reklamo ko.

"Sorry..."

Para kaming magkasintahan sa asta ngayon. Hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin nito. Close na ba kami? Friends na, gano'n? Kasi hindi naman siya sasama kung ayaw niya pa rin sa akin.

Tahimik kaming naglalakad. Hawak niya pa rin ang pulso ko. Namamawis na nga pero mukhang wala naman siyang pakialam, hindi ko naman mabawi-bawi.

Tumigil siya sa harap ng bahay ko. Hinihila ko na ang kamay ko pero ayaw niyang ibigay, hindi naman kaniya!

"Taki, kamay ko..." Bulong ko.

Hindi niya ako pinansin.

"Where's your key? Ako na magbu-bukas,"

Kinuha ko sa bulsa ang susi ng bahay at inilapag sa kamay niyang nakalahad. Binuksan niya ang pinto ng hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Napabuntong hininga ako.

'Balak niya pa yatang pumasok sa loob.' sambit ko sa loob loob ko. Napatigil ako nang manguna-nguna pa siyang pumasok. Is he staying here o gusto niya lang ng house tour? Baka makiki-kape?

"Alone?" He suddenly asked.

I nodded. "3 years na."

Patuloy lang siya sa pag-iikot habang nakaupo ako at sunusundan siya ng tingin. This wasn't his first time pero lasing siya noon kaya siguradong wala siyang naalala.

"Nga pala,"

"Paano mo nalaman pangalan ko? Hindi naman ako nagpakilala noon, ah?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

Naalala ko lang noong lasing siya at naglabas ng hinanakit sa akin. Binanggit niya ang pangalan ko, once or twice siguro. Hindi ko masyado maalala.

Inirapan niya ako bago sumagot. Ang gwapo niya pero nakakainis ang pag-irap niya. Para siyang babae.

"Stupid, may pangalan ka sa KDU. Kahit last school year noong first day ko rito, pangalan mo na ang naririnig ko."

Napatango-tango na lang ako.

"Specially, addict sa 'yo mga kaklase ko." Dagdag pa niya na ikinatawa ko.

Ginawa na niya yata habbit ang pag-irap mula nang makilala ako. Puro seryosong ekspresyon lang naman ang alam niya noon.

"Ang sungit mo. Ganiyan ka ba talaga?" Nakangiwi kong usisa.

Tiningnan niya ako bago umiwas ulit. "No... Before..."

The Stars Is Alive For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon