Weird
"Fortuitous event is an event which cannot be foreseen but if foreseen it is still inevitable."
Sa lahat ng sinabi ng professor ko sa Oblicon, 'yon lang ata ang tumatak sa isipan ko. Pakiramdam ko tinamaan ako ng fortuitous event na 'yan.
"Sir..." Napatingin kami sa kaklaseng tumaas ng kamay. Tumango sa kaniya si Prof. "Sir, ang pag-ibig ba pwedeng maging halimbawa ng fortuitous event?"
Lahat kami nakatitig kay Sir. Ngumiti si Sir at tumango.
"Oo naman! Kasi ang pag-ibig natural 'yan. Hindi mo alam kung kailan darating pero alam mong darating. At kapag tinamaan ka na, kahit anong iwas ang gawin mo ay wala ka ng magagawa kasi nga ang pag-ibig ay natural na dumarating. Inevitable!"
Ngiting-ngiti naman ang kaklase kong nagtanog bago umupo. Napangiti ako nang mapakla. Bakit ba kasi naging fortuitous event ang pag-ibig? Ayan tuloy, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko para kay Fire.
Nag-ingay sa loob ng classroom. Ang mga babae kong kaklase ay nagbubulungan. Nasa likuran ang upuan ko kaya sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ng mga kaklase ko.
Halos malaglag ang panga ko nang makitang nakasandal sa labas si Fire. Ang rouge ng dating niya. White shirt underneath his leather jacket, denim pants, and nike shoes. Basketball player siya kaya okay lang sa kaniya kahit hindi mag-uniform. Minsan ang unfair. Pero sila naman ang nagpapanalo sa University kaya parang hindi rin naman unfair.
Napatingin siya sa gawi ko at panandaliang nagtama ang aming tingin. Napakurap ako para masiguradong siya nga, pero nakumpirma ko iyon noong tapunan niya ako ng mapaglarong ngiti. Halos magusot na ang laylayan ng uniform ko sa tindi ng kapit ko rito.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya dali-dali kong tinuon ang atensyon sa Professor sa gitna.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at kagat-kagat ko ang aking labi. Namamawis din ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng uniform ko.
Ang gusto kong malaman ay kung ano ang ginagawa niya sa labas ng kwarto namin? Hindi naman sa ayoko siyang makita pero may kontrata kasi kaming ginawa pagkatapos kong pumayag sa gusto niya.
Isa sa nakalagay doon ay bukod sa 'sex' ay wala na dapat kaming ugnayan sa isa't-isa. Kumbaga ang gusto ko ay kung nasa loob kami ng campus ay walang pansinan. Ako mismo ang gumawa ng rule na 'yon dahil ayokong madikit ang pangalan ko sa kaniya.
"Class dismissed. Study about dation in payment for the next meeting," sabi ng Prof.
Nagsimulang magsitayuan ang mga kaklase ko. May mga nag-aayos ng gamit at nagpapaganda samantalang ako ay parang na-glue sa upuan ko at hindi makatayo.
Hindi ko alam anong gagawin ko lalo pa't nasa labas si Fire at naghihintay? Naghihitay talaga, Se? Baka naman hindi ikaw ang sadya niya, baka naman may bago siyang girlfriend sa kaklase mo. Oo 'yon nga 'yon.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)
General FictionPleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks for revenge, the other hungers for love. In this complicated world full of secrets and lie, can lov...