Chapter 28

271 16 2
                                    

Dangerous

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dangerous

I WISH THERE is a rewind button right now. O kung wala man, sana kahit stop na lang. Edi sana hindi ko pinahiya ang sarili ko. Sana na kontrol ko ang sarili ko. Hindi sana ganito...

Sumulyap ako sa gawi ni Fire at tahimik lang siyang nagmamaneho. His jaw was clenched and his eyes... I couldn't read them. His lips were tightly close and his eyebrows were creased.

Panay ang ginagawa kong paglunok dahil nanunuyo ang lalamunan ko sa matinding katahimikan. Pwede nang marinig ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa katahimikan.

Nawalan ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Natatakot ako na baka sigawan lamang niya ako. O baka mamaya sumbatan niya ako.

Gustong-gusto kong malaman ang iniisip niya. Iniisip kaya niyang ganoon akong klaseng babae?

The attraction was there kahit hindi ko pa alam na si Fire ang kasayaw ko. Ganoon ba kalakas ang epekto niya sa akin? Parang mas malakas pa ang epekto niya kumpara sa alak...

Narating namin ang basement ng building niya. Kusa akong bumaba at naghintay sa kaniya sa lobby dahil pinark pa niya nang maayos ang kaniyang sasakyan.

Tahimik ako habang nakasunod sa likuran niya. Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang samu't-saring emosyong nararamdaman. Why do I have this feeling na parang hangin lamang ako sa kaniya?

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap siya sa akin at humugot nang malalim na buntong hininga.

Bumalik siya sa tinatayuan ko at kinuha ang kamay ko. Hawak niya ang kamay ko hanggang makapasok kami ng elevator at unit niya.

Binitiwan niya ako at nagtungo siya sa bar counter na nasa loob ng kitchen. Nanatili akong nakatayo sa sala. Nagdadalawang isip kung susundan ba siya o hindi. Sa huli ay sumunod ako...

"Fire..." bigkas ko sa pangalan niya.

Umupo ako sa katabing bar stool kung saan siya nakaupo.

"Hmmm?" kaswal niyang sabi.

Natuon ang pansin ko sa glass wine na nilalaro ng kamay niya. Galit kaya siya?

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin. Nagsalubong ang paningin naming dalawa. His expression was hard pero di kalaunan ay lumambot din ito.

"I'm not mad, Serena. I'm just tired," sagot niya.

Tumango ako kahit hindi convince sa sinabi niya. Maybe I should let it go. Maybe I should accept what he had said.

Pero hindi eh. I know he's not okay. At least, he needs to hear my side. Ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano tungkol sa akin na hindi naman totoo. It's not healthy. At kapag hinayaan ko lamang ito parang pinalabas ko lang na wala akong paki. At hindi ako ganoon...

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon