Chapter 10

557 31 0
                                    

Broke

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Broke

Tumigil siya sa pagkaladkad sa akin noong marating namin ang parking lot. Nakatayo ako habang nakatungo. I couldn't stand seeing his dark eyes piercing right through me. Napakatalim nito at kung hindi ako iiwas ay paniguradong bumulagta na ako sa malamig na sahig.

"Who is he, Serena? Do you even know that asshole?" kaniyang sigaw matapos hampasin ng malakas ang ibabaw ng kaniyang sasakyan. Lumikha iyon ng ingay dahilan para mapalundag ako sa gulat at kaba.

"S-Si Grant..."nauutal kong sagot.

Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan at binti ko sa takot kay Fire, pero pilit ko iyong nilalabanan.

"Paano mo siya nakilala? Bakit kayo magkasama?" sunod-sunod niyang tanong sa kalmanteng boses. Kumalma man ang boses niya, pero hindi niya ako maloloko. Sa tagal ko siyang nakasama, alam ko kung kailan dapat ako matakot sa kaniya, at ito 'yon.

"K-Kasi," Napatingin ako sa ibang direksyon, nag-iisip ng pwedeng isagot, ngunit kahit anong isip ko ay wala akong maisagot. Pwede ko namang sabihin sa kaniya ang lahat pero hindi ko magawang ibuka ang labi ko. Siguro dulot ng matinding takot sa kaniya kaya pakiramdam ko ay pati boses nawalan ako.

"What!?"

"Kasi sinamahan ko siyang mag-grocery para hindi na niya ako guluhing ipagluto siya araw-araw." Dire-diretsong sagot ko sa sobrang gulat noong muli siyang sumigaw.

Nanlaki ang pareho kong mata kasabay nito ay napatakip ako sa aking labi noong mapagtanto ang nasabi ko. Napatingin ako kay Fire at halos malukot ang kaniyang mukha sa sama ng pagkakatitig sa akin.

His forehead creased in anger and he gritted his teeth at the same time.

Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang nagbabadyang luhang gustong kumawala sa aking mata. Ayokong umiyak lalo na't sa harapan niya. Ayokong maging mahina sa paningin niya, pero hindi ko maiwasang maging emosyonal sa inaasta niya.

"So, are you lying to me all this time, Serena?" Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Muli siyang lumapit kaya muli akong umatras palayo sa kaniya. Huli ko ng napagtantong wala na akong maaatrasan pa. Napasandal na lamang ako sa pintuan ng kaniyang sasakyan habang palapit siya ng palapit sa akin. Napayuko ako noong nasa harapan ko na siya. My palms started sweating as well as my forehead. "Answer me, Serena!" He lifted my chin, making me face his fiery eyes. Dahan-dahan akong tumango kasabay noon ang pagkawala ng munting luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

"I told you to stay away from other guys, Serena. Pero anong ginawa mo? You even lied to me. Ano pa ba ang tinatago mo?" aniya, pagkatapos ay napapikit kasabay ng paggulo sa kaniyang itim na buhok.

Tumingala ako para kahit paano ay mapantayan ko man lang ang kaniyang tingin. Umangat ang isang kilay ko at napakuyom ang palad ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit kailangan kitang sundin?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagkunot ng kaniyang noo. Hindi niya siguro inaasahang sasagutin siya ng laruan niya. Damn you, Fire!

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon