Chapter 6

687 36 1
                                    

Grant Marcaballes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Grant Marcaballes

Nagising ako dahil sa tunog ng doorbell. Inaantok man, nakuha ko pa ring silipin kung sino itong doorbell ng doorbell sa labas. Kinusot ko ng ilang beses ang aking mata para masiguradong hindi ako namamalikmata sa lalaking nakatayo sa labas ng gate.

A guy with a disheveled hair is standing at the gate. Pinasingkit ko ang aking mata at napangiwi noong mapagtantong ang lalaki kahapon ang nasa labas.

Labag man sa kalooban, wala akong nagawa kundi ang pagbuksan siya at papasukin sa loob. Mabuti na lang at nakapagsuklay ako at medyo maayos naman ang suot kong damit.

"Good morning!" Nakangisi niyang saad at dire-diretsong pumasok sa loob ng apartment ko.

Kumunot ang aking noo. "Teka nga," habol ko sakaniya. "Anong ginagawa mo rito?" Umangat ang isang kilay ko habang tinatanong 'yon.

"Anong breakfast?" aniya at tumuloy papuntang kitchen.

Pinigilan kong 'wag siyang hampasin ng suot kong tsinelas habang nakabuntot sa kaniya papasok sa kusina. Noong maabutan ay hinila ko ang kaniyang balikat.

"Alam mo bang trespassing ka? Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo." Pananakot ko sa kaniya.

"Really?" Nakataas ang isang kilay nito kasabay ng paglandas ng isang ngisi sa kaniyang labi na labis kong kinaiinisan sa ngayon. "Try me, Serena."

Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa alam niya ang pangalan ko kundi sa sumunod niyang ginawa. He towered and cornered me against the wall. Sinubukan ko siyang itulak ngunit lahat ng effort ko ay balewala sa katawan niyang tila bakal sa tigas. Parang mas matigas pa ang katawan niya kumpara kay Fire. At bakit ko sila pinagkukumpara?

"Ano ba? Pwedeng-pwede kitang i-demanda sa ginagawa mo. Ni hindi nga kita kilala tapos ito pa ang gagawin mo!?" Inis kong sigaw sa kaniya pero ang gago ngumisi lang ulit.

"Relax, Serena. Wala akong gagawin sa 'yo. You're too flat, definitely not my type."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ang gagong 'to! Tresppaser na nga, nakuha pa akong insultuhin. At feeling naman niya type ko siya. Ang kapal ng apog!

Umalis siya sa harap ko pagkatapos niyon. Pasipol-sipol siya habang nililibot ang tingin sa buong apartment ko. Sinundan ko siya at prente siyang umupo sa couch na nasa sala. Matalim ang bawat tingin na pinupukol ko sa kaniya ngunit parang wala lang iyon sa kaniya. Pakapalan lang siguro talaga ng mukha.

"Ano ba'ng kailangan mo? At paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nakapameywang kong tanong. Para akong guro na pinapagalitan ang makulit niyang estudyante.

"I have my resources. You are Serena Alvarez. Third year student, taking BS in Architecture."

"Papano mo nalaman?" tanong ko habang pailing-iling.

Paano niya nalaman 'yon? E, ngayon ko lang siya nakilala.

"Told you already, I have my resources. For that you should appreciate my effort." Kumindat ang gago pagkatapos niyang sabihin iyon. Napangiwi naman ako kasi mukha siyang tanga. "At kung ano ang kailangan ko sa 'yo? I want you to personally cook my food."

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon