Contradicting
"Mas maganda pag glitters and glamours, right?" Narito ako sa loob ng student council kasama ang officers at sina Franklin at Albert.
Kanina pa kami namimili ng theme para sa Christmas ball at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming mapili. Vacant ko simula kaninang umaga kaya maman ginamit ko ang pagkakataong ito para asikasuhin ang ibang details ng event.
"Ano sa tingin mo, Serena?" tanong ni Albert.
"Hindi siya masyadong common for a Christmas theme, pero sa tingin ko maganda naman," sagot ko.
"Theme is settled, how about the food?" tanong ni Vanessa bilang siya ang inatasan kong mag lista ng lahat ng details.
"Okay na sa pagkain, may na contact na ako," sagot ko.
"About the music, may nakausap na rin ako." singit ni Frank.
"Ako na ang bahala sa photobooth." dagdag ni Albert.
"Then it's settled, I guess?" tanong ko sa kanilang lahat.
"Okay na, Se. Kailangan na lang nating gawin ang bahagi natin."
Napahilot ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko nahihilo ako at kumakalam pa ang sikmura ko. Hindi ako kumain kaninang umaga para lang matapos ang plates na kailangan kong ipasa, at hindi rin ako nakapag-lunch dahil nagpatawag ako ng meeting sa mga involved sa pag-aayos ng Christmas Ball.
"Are you okay? You look pale, Serena." puna ni Trisha, ang council president.
Tipid akong ngumiti para ipaalam na ayos lamang ako. "Let's talk about the other details next time. Meeting adjourned!"
Nauna akong lumabas sa kanilang lahat. I glanced at the mirror at doon ko napagtanto kung gaano ako kaputla. My skin was pale as well as my lips and face. Nandidilim man ang paningin ko ay nakaya ko pang lumabas ng building.
Gusto kong pumunta sa canteen para kumain ngunit unti-unti na akong nilamon ng kadiliman. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng aking mga mata kasabay noon ang ilang beses kong pagkurap.
Nanghihina na rin ang mga tuhod ko at naramdaman ko na lamang ang unti-unti kong pagbagsak, ngunit bago pa man ako tuluyang bumagsak sa lupa ay nasagip ako ng dalawang brasong sumuporta sa aking likuran.
"SERENA!" Rinig kong niya habang tinatapik ang pisngi ko.
Bago ko tuluyang ipikit ang aking mata ay nakuha kong magsalita, "G-Grant..."
UNTI-UNTI kong minulat ang aking mata nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi. Bumungad sa akin ang kaniyang nakakabighaning mga mata. His eyes were blazing with fear and his face looked troubled.
"Okay ka na ba?" Tumango ako bilang tugon. I want to say something but words won't come out from my throat.
Tinulungan niya akong sumandal sa headboard ng kama at noong ilibot ko ang aking paningin ay doon ko nalamang nasa school clinic ako.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)
General FictionPleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks for revenge, the other hungers for love. In this complicated world full of secrets and lie, can lov...