Chapter 9

584 30 1
                                    

Embrace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Embrace

Pasado alas-dose na noong makauwi ako sa aking apartment. Hinatid ako ni Fire pagkatapos ay umalis din siya agad. Nahiga sa kama habang inaalala ang mga naganap ngayong araw. Hindi ko mapigilang mapangiti kasabay ang pagkabog ng aking dibdib ng sobrang lakas.

"Ahhhhhhhhh!" Hiyaw ko habang hawak-hawak ang pisnging sobrang init. Tinakip ko pa ang unan sa mismong mukha ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari.

Bakit ba gano'n si Fire? Bakit ang sweet niya kanina? Muli akong napahiyaw at nagpagulong-gulong sa aking kama. Nababaliw na yata ako at kasalanan lahat 'to ni Fire.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga rin akong binulabog no'ng hayop kong kapitbahay na ngayon ay parang haring nakaupo sa sofa sa sala.

"Bakit ganiyan ang mukha mo?" Nabaling ang atensyon ko kay Grant noong magsalita siya.

Napairap ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ano ba ang mali sa mukha ko?" sagot ko at muling tinuon ang atensyon sa aking niluluto. Sinigang na baboy ang request ng hudyo kaya ako namang si uto-uto ay pinagluto siya. Mabuti na lamang at siya mismo ang nagdala ng mga ingredients kaya hindi na ako nahirapan pa.

"Ang pangit mo kasi," aniya at ngumisi.

Napairap na lamang ako kesa patulan ang pang-aasar niya. Ayokong masira ang mood ko dahil lang sa kaniya kaya iisipin ko na lamang na wala akong kasama.

"Serena, are you mad? Nagbibiro lang naman ako." rinig kong sabi niya.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy na lamang ang pagluluto. Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya tumahimik din ang hayop. Ilang sandali lang ay naluto rin ang sinigang na baboy kaya nagsimula kaming kumain ni Grant. Hindi naman ako nailang na kasama siyang kumain kahit ito ang unang beses na may kasabay akong kumain ng agahan simula noong lumipat ako rito. Parang ang sarap nga sa pakiramdam na may kasama kang kumakain. Simula kasi ng lumipat ako ng apartment ay parati na lamang akong mag-isang kumakain. Dati naman kasabay ko pa si Lianna pero ngayon talagang alone ako. Nakakagaan din ang presensya ni Grant kahit paano.

"I waited for you last night." Nag-angat ako ng tingin noong magsalita siya. I could tell that his eyes were gloomy and his voice was different from that playful tone he always has. Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng kitchen dahil sa lungkot ng titig niya. "But guess what? I waited for nothing."

Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sa aking labi at diretsong tumitig sa kaniya. "I'm sorry, Grant. May lakad kasi ako kagabi." Pilit akong ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pagiging awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"I know. I saw you last night with your boyfriend." aniya at ngumiti. Nakangiti nga siya pero may kakaiba sa kaniyang ngiti. Something was hidden on it. Something mischievous? Pero bakit?

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon