Burning Desire
"You must be, Serena?"
Pagkarating pa lang namin ni Fire sa malaking dining hall ay may matandang lalaking agad sumalubong. Napatingin ako sa kaniya at kahit may edad na ay mababakas pa rin ang kaniyang magandang tindig lalo na sa suot nitong pormal na suit.
"Opo," tipid kong sagot.
Napatingin ako kay Fire at nakangiti lamang siya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga ngiti niyang halos magpalambot sa aking dalawang binti.
I will always love his smile— it's captivating and pure.
"Nice to meet you, hija. I'm Brandon Castillione, Fire's uncle. Don't hesitate to call me Tito."
Napangiti ako sa aking narinig. Kabaliktaran ang Tito niya sa mga naisip ko. Mabait ito at madaldal. Halos kami na nga lang ang nagdadaldalan habang papunta sa pahabang mesa kung saan maraming pagkain ang nakalatag. Ang iba pa roon ay bago lamang sa paningin ko.
There were paintings on the wall of this hall, and there is a big chandelier on the middle that made the dining lights elegant. May mga candle light din sa gitna and fresh flowers that produces minimal scent to the nose.
"He likes you," bulong ni Fire pagkatapos akong ipaghila ng silya.
"Thank you," anas ko.
Ilang sandali lang din ay may mga tunog ako ng sapatos na narinig. May babaeng matanda na lumabas mula sa kusina. Na-glue lang ang tingin ko sa kaniya habang papalapit siya sa dining table. She is gorgeous! Kahit matanda na ay kitang-kita pa rin ang taglay nitong ganda noong kabataan niya.
Tumayo ang Tito ni Fire at kumapit sa bewang ng babaeng nakangiti sa amin.
Sweet...
"This is my lovely wife, Katerina." Pagpapakilala ng Tito ni Fire doon sa babae.
Nagulat ako noong lumapit siya sa akin at gawaran ako ng halik sa aking pisngi. Ang pagkagulat na iyon ay napalitan din agad ng ngiti. Tumayo si Fire sa aking tabi at ginawaran ng mahigpit na yakap ang kaniyang Tita.
"The night is young! Enjoy it, hija !" Muling baling sa akin ng tita ni Fire.
"I will po."
MATAPOS i-serve ang lahat ng pagkain sa mesa ay napatitig si Tito Brandon sa bakanteng silya na katabi ni Tita Katerina.
May pinatawag siyang maid at may sinabi roon,
"Where's Loreen?" Nabaling ang atensyon ko sa kaniya noong banggitin niya si Loreen. Magkakilala sila ni Loreen?
Ay ang tanga mo, Se! Malamang, nandito nga si Loreen di'ba?
Kung pwede ko lang batukan ang sarili ko ngayon ay ginawa ko na, kaso nakakahiya naman sa harap ng mga almost perfect na nilalang na mga 'to.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)
General FictionPleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks for revenge, the other hungers for love. In this complicated world full of secrets and lie, can lov...