Chapter 29

263 17 3
                                    

Left

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Left

NAIBABA ko ang ice cream na kinakain at napatingin kay Fire. Seryoso ang mukha niya at nakakunot ang noo.

Kasalukuyan kaming nasa ice cream shop noong may tumawag sa cellphone niya. Nanggaling kami kay Dra. Deocampo para sa monthly check up ko.

According to her, bumubuti na ang lagay ko at pareho naming pinagpasalamat ni Fire iyon.

Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan kaya tumayo na rin ako. "Bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Sinugod si Tita Katerina sa hospital," sagot niya.

"Oh my god!" Natutop ko ang palad sa aking labi.

Dali-dali akong hinila ni Fire patungo sa sasakyan niya. Halos paliparin niya iyon sa sobrang pagmamadali. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa tensyon at kaba.

"Fire, baka tayo naman ang mapahamak," paalala ko sa kaniya.

Ilang sandali lang ay narating na namin ang hospital sa Makati. Nakabuntot lang ako sa kaniya buong magdamag. Nagawa niyang maitanong sa nurse ang room number ng mommy ni Loreen kaya dali-dali kaming pumunta doon.

"Fire! Si mommy!" garalgal ang boses ni Loreen pagdating namin.

Agad siyang napayakap kay Fire at gano'n din si Fire.

Nanatili akong tahimik sa gilid habang nililibot ng tingin ang buong kwarto. Nasentro ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa kama— si Tita Katerina. Namayat siya at maraming tubo ang nakakabit sa katawan niya. Ang putla rin ng kulay niya at parang nadagdagan ang edad niya. Malayong-malayo sa babaeng nakilala ko dati.

Muli akong napatingin sa direksyon nina Fire at hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ni Loreen. Inaalo pa rin siya ni Fire hanggang sa tumahan siya. Nagtama ang tingin namin ni Fire at tipid akong ngumiti sa kaniya.

Wala akong ibang nararamdaman sa ginagawang pagyakap ni Fire kay Loreen. Bagkus, naaawa ako kay Loreen. Nakikita ko ang sarili sa kaniya.

Ganitong-ganito rin ako noong isugod si Mama sa hospital. Kaso nga lang, noong panahong iyon, wala akong makapitan. Huli na noong dumating si Papa.

Sobra ang galit na naramdaman ko kay Papa dahil kahit nasa bingit na ng kamatayan ang Mama ko ito pa rin ang bukambibig niya, pero binigo lang siya ni Papa.

Pero ang galit na 'yon matagal ko nang iwinaksi. Wala naman kasing magandang maidudulot ang pagtatanim ng galit sa kapwa. Hindi ka na magiging masaya, magiging miserable pa ang buhay mo.

Sometimes we need to let go and move on. Lalo na sa mga bagay na alam nating makakasakit sa atin. Kahit gaano pa iyon kahirap, we need to endure it dahil kapag nakaya natin doon nagiging mas matatag tayo.

"Anong nangyari kay Tita Katerina?" mahinahong tanong ni Fire kay Loreen noong kumalma siya.

"S-Sabi ng doctor... merong brain tumor si mommy."

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon