Chapter 13

545 30 0
                                    

Contract no more

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Contract no more

"Bakit bigla ka na lang umalis kanina?" aniya.

His warm hands wrapped around my waist as we sit side by side on his couch. Hindi ko na matandaan kung paano kami nakarating dito. All I could think is his warm hands that is now playing with the strand of my hair.

"Alam mong nandoon ako?" sabi ko.

"Who wouldn't? Sa ganda mong 'yan pati ipis mapapansin ka," aniya, at ginagap ang kamay ko. He entertwined our fingers as he rest his head on my shoulder. "Bakit ka umalis?" ulit niya.

"Masyadong mainit sa loob kaya lumabas ako," palusot ko. "Ang galing mong kumanta kanina. Sayang at wala si Lovely, hindi niya narinig ang kanta mo para sa kaniya." pagpatuloy ko.

Umangat ang kaniyang ulo at pilit akong hinarap sa kaniya. Kunot ang kaniyang noo at hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. His eyes marveled across my face at tumigil iyon sa aking labi. Otomatiko akong napakagat sa parteng iyon...

"Hindi pa ba maliwanag sa' yo ang lahat, Serena?" aniya sa malumanay na boses. Nanatili akong tahimik at nagpatuloy siya. "I don't care about Lovely. I don't care about other girls. All I care is you, dahil ikaw ang gusto ko. Ikaw ang babaeng pinili nito." Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa tapat ng kaniyang puso. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan? I like you... I like you more than minions like banana. I like you so much, Serena Alvarez. That song is dedicated for you... No other girl, just you."

Napakurap ako. Para akong nasa ulap at pinaliligiran ng maraming kumikinang na bituin. Ang tanga ko. Ang bobo ko. Pinaniwala ko ang sarili kong si Lovely ang gusto niya, when in fact ako pala.

It turns out the one who's hurting me are my own thoughts. My overthinking is killing me. Ako mismo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Maybe I shouldn't overthink things. Maybe I should just let it flow and deal with it...

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Fire? Dahil kung hindi, please, don't play with my feelings." ani ko.

"Trust me, Serena, I'm more than willing to give up everything for you. I'm willing to break my own rules just for you because you're the one who only matters to me. Nah! I guess I don't like you anymore, I think I'm already inlove with you."

Minsan pinangarap kong magustuhan ng isang Fire Dashin Castillione. Minsan napapanaginipan kong mahal niya ako at tuwing magigising ako ay may ngiting nakapaskil sa labi ko. And right now, the word happy is underrated to describe what I feel.

"Breathe, Se..." aniya.

I heaved a deep sigh. Hindi ko namalayang pigil na pala ang paghinga ko. Nag-angat ako ng tingin at saktong nagtama ang mata naming dalawa. Gusto kong maluha, tumawa at tumalon. Gusto kong sampalin ang sarili ko para malamang hindi ako nananaginip.

Hindi ko matukoy kung anong emosyon 'tong nararamdaman ko. Pinaghalong saya, kaba, pag-aalinlangan at higit sa lahat pagmamahal. It's overwhelming na hindi ko maibuka ang labi ko para man lang magsalita. Hindi ko maigalaw ang kamay ko para man lang haplusin ang kaniyang mukha. All I did is to stare at his gray eyes. So full of passion and love... And there, I believe that he mean what he said.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon