Chapter 25

335 18 0
                                    

Christmas Together

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Christmas Together

NASILAW ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Napatingin ako sa bintanang bukas at may fallen angel ba sa loob ng kwarto ko? May pigurang nakatayo doon. Nakasuot ng puting damit at khaki shorts. Noong maglakad ang pigura patungo sa akin ay natawa na lamang ako sa naisip.

"Good morning, sleepyhead," bati ni Fire bago dampian ng halik ang noo ko.

Ilang segundo lang ay nasa ibabaw ko na siya. Giving me sweet and passionate kisses all over my face. Kagaya ng mga dahong nalalagas tuwing umaga, isa-isa ring nakakalas ang damit naming dalawa.

"I love you," sambit niya at ginawaran ako ng mabining halik. We both endeavour the moment. Parehong hindi nagmamadali. Ninanamnam ang bawat sandaling magkalapat ang labi't katawan.

Hindi lang labi ang inangkin niya ngaying umaga kundi ang buong pagkatao ko. Inangkin niya ako ng ilang ulit hanggang sa pareho kaming nakatulog.

Tanghali na noong muli akong magising. Masakit man ang buong katawan ko ay masaya naman ang puso ko. I feel complete lalo na't mahimbing na natutulog sa tabi ko si Fire. I brushed my fingers on his hair. Gulong-gulo ang buhok niya pero ang unfair ng mundo at ang gwapo-gwapo pa rin niya. Bagay talaga sa kaniya ang beedroom look na hairstyle.

Pinadausdos ko ang aking daliri sa matangos niyang ilong hanggang sa tumigil ito sa kaniyang mapupula at masarap na labi. Napakagat-labi ako noong maalala ko muli ang mainit naming pinagsaluhan kanina. Ilang beses ba akong nilabasan?

Hinagkan ko muna ang kaniyang noo bago bumaba para magluto ng tanghalian. Kumukulo na ang tiyan ko dahil ibang breakfast ang kinain ko kanina— hotdog at pandesal.

Mygod, Serena! Tumigil ka kakaisip sa mga pandesal ni Fire.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto noong may yumapos sa likuran ko.

"Ang bango," sabi nito.

"Syempre, may secret ingredient akong nilagay."

"Not the food. My baby girl," anito.

Ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa buo kong mukha. Mga hirit talaga ni Fire! Aatakihin ako sa puso, eh!

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko.

"Best sleep I had."

Tinulungan niya ako sa paghahanda ng kubyertos noong matapos ang niluto kong adobo at porkchop.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko kaya napatakip ako sa aking dibdib.

"You look gorgeous," nakangiti ito. "In my shirt," dugtong niya.

Hindi ko naman maitanggi ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. He never failed to make my heart flutter at sana ganoon din ako sa kaniya.

***

"ANG GANDA MO talaga, hija," puri ng baklang nag-ayos sa akin.

Pagkatapos naming kumain ni Fire ay dinala niya ako sa parehong parlor na pinagdalhan niya sa akin dati. Malaki ang salamin ng parlor kaya naman kitang-kita ang kabuuan ko.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon