Chapter 12

550 32 0
                                    

I like you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I like you

"Se, bilisan mo diyan ano ka ba!" sigaw ni Lianne.

Kasalukuyan akong nasa apartment niya at nag-aayos. Sabado ngayon kaya walang pasok. Napatingin ako sa salamin upang tingnan kung okay na ba ang ayos ko. Niyaya ako ni Lianna sa bagong club na kakabukas lamang malapit sa apartment niya. At para makapaglibang ay agad akong pumayag.

Habang nakaharap sa salamin ay hindi ko mapigilang mapahawak sa aking labi. Patuloy na bumabalik sa isipan ko ang ginawang paghalik ni Fire sa akin kahapon. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang tamis ng labi niya.

Ilang beses na rin naman niya akong hinalikan, ngunit ang kahapon ay kakaiba dahil sa harap 'yon ng maraming tao. Tinapik-tapik ko ang pisngi ko, nagbabasakaling tumigil ang pamumula nito.

"Kalma, Se..." bulong ko.

Nag-angat ako ng tingin at napatitig sa noo ko. Napahawak ako rito at bigla kong naalala ang ginawang paghalik ni Grant sa akin kahapon dahilan para mapangiwi ako. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya at hinalikan niya ako? Nahihibang na ba siya?

Nagkibit ako ng balikat at sinuklay ang nagulo kong buhok.

"Se, ba't ba ang tagal mo?" ani Lianna noong pumasok sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Mula sa sakamin ay nakikita ko ang paglukot ng kaniyang mukha habang nakatitig sa akin.

Ngumiti ako noong humarap sa kaniya. "Ito na po, mahal na prinsesa."

Isinukbit ko ang maliit kong shoulder bag sa aking balikat at tuluyang naglakad palapit sa kaniya.

Nag-taxi kami papunta sa bagong club na sinabi ni Lianne. Ayaw niyang masira ang ayos naming dalawa kaya noong sinabi kong mag-commute na lang kami ay agad akong nakatanggap ng isang irap galing sa kaniya.

Kakababa ko pa lamang sa taxi ay rinig ko na ang malakas na tugtog na nagmula sa loob. May iilang tao sa labas at hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang babae at lalaking naghahalikan sa isang sulok. Napailing na lamang ako. Hindi na bago para sa akin ang mga gano'ng tanawin dahil nakapagtrabaho na rin naman ako dati sa bar. Doon ko pa nga nakilala si Fire, e.

Habang naglalakad palapit sa entrance ay napaisip akong siguro blessing in disguise din 'yong pagkakatanggal sa akin dahil doon ko nakilala si Fire. Kung hindi kaya nangyari ang mga nangyari noong gabing 'yon, makikilala ko kaya siya? Will I have the chance to know him personally? Will I be able to hold him? Will I be able to kiss him? Marami akong tanong at ni-isa doon ay wala akong makuhang sagot.

Hindi kaya ako nasasaktan katulad na lamang ngayon kung hindi ko nakilala si Fire? Paano kaya ang takbo ng buhay ko kung wala siya? Masaya kaya ako kahit hindi ko siya nakilala? Ugh! Tama na, Se!

Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa club kaya pagpasok namin ni Lianne ay nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. It's been 4 months already. 4 months with Fire and I couldn't describe the emotions he only can bring into my heart.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon