Chapter 17

368 26 0
                                    

Worth the wait

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Worth the wait

Kunot-noo akong napatitig kay Lovely. Sa lahat ng taong gustong makipagkita sa akin, siya ang hindi ko pinakainaasahan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Totoo bang nililigawan ka ni Fire?" tanong niya at umangat ang kaniyang kilay.

Huminga ako nang malalim bago tumango. Napansin ko ang pagbago ng mood niya. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay napalitan iyon ng pagkairita?

Dinala niya ako sa loob ng isang coffee shop na malapit lang din sa pinagtatrabahuhan ko. Akala ko kung anong importante ang gusto niyang pag-usapan, 'yon pala makiki-tsismis lang sa relasyon namin ni Fire.

Lihim akong napaismid sa isipan ko.

"I see. Sa tingin mo ba seryoso sayo si Fire?" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya at sa tono ng boses niya. Para bang nanghahamon. "No offense ha, kasi sa pagkakaalala ko, bukod sa'kin ay wala ng sineryoso pa si Fire," dugtong niya at ngumiti ng mapang-asar. Ano ba ang gusto niyang palabasin?

"Alam kong seryoso si Fire sa akin. Iba ka, iba ako. May tiwala ako sa kaniya!" Matapang kong sagot.

"I don't mean to hurt you, ha. Concern lang naman ako dahil baka paglaruan ka lang niya." Nakuha pa niyang hawakan ang palad ko, pero agad ko iyong binawi. Hindi ko alam kung sincere ba siya o sadyang magaling lang siyang umarte.

"Salamat sa concern," sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin ngunit may kakaiba talaga sa mga ngiti niya na hindi ko nagustuhan.

"I will only tell you this Serena since I don't want you to end up weeping if ever. Pero parati kaming magkasama ngayon ni Fire. He's always there for me, kaya hindi malabong bumalik ulit ang dati niyang feelings para sa akin." Lumungkot ang boses at mukha niya pero hindi ako tanga para magpadala sa kaniya.

"Baka naaawa lang kasi si Fire sayo." Nakangiting sabi ko.

Napansin ko ang pag-angat ng kaniyang kilay ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti at magpanggap na hindi apektado.

"Ha-ha! Funny ka pala talaga. Basta binalaan na kita. Ayoko lang namang isang araw umiyak ka dahil hindi na ikaw ang gusto ni Fire." Gustong-gusto kong burahin ang ngiti sa mukha niya. Nakakapikon kasi ang ngiti niya, halatang plastic.

"Hindi mangyayari 'yan. I saw how Fire changed... and it's for the better." Ngumiti ako ng bonggang-bongga at may kasama pa iyong pagkurap.

"Hahaha!" Tumawa ulit siya pero halatang plastic naman. Dinaig pa niya ang Tupperware sa kaplastikan niya. Bakit ba may mga ganitong klaseng tao? "I think we could be good friends," dugtong niya.

Ngumiti ako. "Sa tingin ko rin."

"Friends na tayo, ha!" Nakangiting wika niya. Hindi ba siya nangangalay sa kakangiti niya? Dahil ako ay talagang napipikon na sa ngiti niya. "Friendly reminder Serena, higpitan mo ang bantay kay Fire... baka maagaw. I need to go na, bye!"

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon