Happy Pill
Iniwan muna ako ni Fire sa loob ng back stage dahil mags-set up muna siya para mamaya. Ilang minuto lang din ay may umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din sa akin iyong Kate na tinawag ni Fire kanina.
"Hi! Serena, right?" aniya. "Pasensya na talaga kanina, ha?"
"Okay lang po 'yon." sagot ko at ngumiti ng tipid.
Bigla akong napaisip kung tatanungin ko ba siya tungkol sa gumugulo sa isipan ko o hindi. "Hmmm, pwedeng magtanong?" Sa huli ay hindi ko rin natiis at tinanong ko na nga siya. "Bakit niyo po pala akong napagkamalang si Lovely?"
"It's a long story, okay lang ba sa'yo?" Tumango ako bilang tugon. "Fire is my cousin on the mother side. We're so close with each other to the point na lahat ay sinasabi niya sa akin including those girls he likes." Hindi na ako nagulat na magkadugo sila ni Fire dahil may mga anggulong hawig nga sila, lalo na sa ilong ang tangos din ng ilong ni ate Kate. "May babaeng palaging binabanggit si Fire sa akin at kung hindi ako nagkakamali, Lovely ang pangalan niya." Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya upang ipahiwatig na okay lang ako. "Naalala ko, high school pa lang si Fire no'n nang magustuhan niya ang Lovely na 'to. I guess, my cousin was really head over heels inlove sa kaniya to the point na sinundan niya ito sa U.S."
Nagulat ako sa sinabi ni ate Kate ngunit hindi ko iyon pinahalata. Hindi ko akalaing magagwa iyon ni Fire para kay Lovely, somehow nakaramdam ako ng kaunting inggit. Fire must be so inlove with her at that moment. "Doon siya nag-aral para lamang makasama si Lovely. Pero paglipas ng isang taon ay bumalik din siya, iyon ang panahong namatay si Tita Adeline." Tinapik ko ang balikat ni ate Kate dahil ramdam ko ang pagiging emotional niya. "Sorry for being emotional, I feel sad for my tita." She wiped her tears using her hand bago nagpatuloy sa kaniyang kwento. "Nang namatay si Tita, Fire changed. Even his dad, Tito Ramon also changed. Parati na lang wala sa sarili ang pinsan ko. May mga pinagkakaabalahan siyang hindi niya sinasabi sa akin. Nalulong siya sa alak pati na rin sa babae at simula noon parang hindi ko na kilala ang sarili kong pinsan. I am so happy noong dalawin niya ako rito last week. He's asking if he can sing at my bar at dahil umalis na rin si Ace na dating kumakanta rito ay agad akong pumayag."
Suminghot siya at muling nagpatuloy. " Pinagmamasdan ko siya tuwing kumakanta siya at pakiramdam ko unti-unti nang bumabalik ang dati kong pinsan. His passion on singing is just the beginning. At dahil sa sinabi niyang may babaeng espesyal sa kaniyang puso kaya naisip ko bigla si Lovely, pero nagkamali ako. It is actually you..."
Natahimik ako sa kwento ni ate Kate. Pakiramdam ko may kung anong mabigat sa dibdib ko dahil sa mga narinig ko. Parang kahapon lang ang lapit-lapit ko kay Fire, pero ngayon matapos kong marinig ang lahat ng 'to ay pakiramdam ko ang layo ko na naman sa kaniya. Fire was so in-love with Lovely at natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lang niyang mapagtantong mas mahal niya si Lovely, at iwan niya ako bigla. Nakakatakot isipin. Pakiramdam ko maiiyak ako tuwing maiisip kong iiwan ako ni Fire.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Fiction généralePleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks for revenge, the other hungers for love. In this complicated world full of secrets and lie, can lov...