Chapter 30

322 15 2
                                    

Maybe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maybe

"HINDI SADYA ni Fire 'yon."

Nabaling ang atensyon ko kay Liam noong magsalita siya.

Nakahiga ako sa ibabaw ng hospital bed dahil masakit pa rin ang likuran ko. Pagkatapos akong kunan ng x-ray ay pinagpahinga muna ako rito. Ayoko na sanang manatili pa pero wala naman akong magawa dahil hindi ako makalakad nang maayos.

"Lovely passed out. Mas malapit siya kay Lovely that's why he acted on impulse. He knew that I will help you," patuloy niya.

Nanatili lang akong tahimik habang nagsasalita siya. Ni-hindi pa ako nakapagpasalamat sa ginawa niyang pagtulong sa akin. I just couldn't find the right words gayong hindi pa humuhupa ang galit na naramdaman ko simula kanina.

"Bakit mo sinasabi sa akin 'to, Liam?" tanong ko sa wakas.

"I don't know. Maybe because I know what you think?"

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang imahe ni Fire na buhat-buhat si Lovely. At tuwing naaalala ko iyon ay naninikip ang dibdib ko.

Sabihin na nating pinakamalapit si Fire sa kaniya. Pero hindi ba pwedeng iba na lang ang sumagip sa kaniya? At ako na lang ang unang dinaluhan niya?

Ayokong magpaka-selfish pero siguro may karapatan naman ako bilang girlfriend niya? At sino ba'ng girlfriend ang hindi sasama ang loob kapag may inunang iba ang mahal niya? And worst, he loved Lovely in the past... or maybe until now. Ouch!

Tipid akong ngumiti. "Salamat, Liam. Mabuti ka pa't tinulungan mo 'ko."

"No worries. Girlfriend ka ng kaibigan ko kaya kaibigan na rin ang turing ko sa'yo," sabi niya at ngumiti.

"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya.

"Past 8 in the evening, bakit?"

"Wala! Baka kasi hinahanap ka na sa inyo. Pwede mo na akong iwan dito. Tumawag na rin naman ako sa kaibigan ko."

"Are you sure? I can call Fire, he's also here. Maya-maya pupuntahan ka rin no—"

"Naku! 'Wag na! Baka abala lang ako sa kaniya."

Bahagya siyang ngumiwi pagkatapos ay ngumiti rin. Nagpaalam na siya kaya naman ramdam ko na naman ang nag-iisa.

Napatingin ako sa cellphone ko ngunit wala pang reply galing kay Lianne. Kanina ko pa sinabi sa kaniya ang nangyari pero wala akong reply na natanggap. Marahil ay busy siya.

Ngayon ko lang napagtanto na ang hirap pa lang mag-isa ka na lamang sa buhay. Iyong tipong wala ka ng magulang na pwedeng sandalan at sabihan ng lahat ng hinanakit mo sa buhay. Iyong makikinig lang sa lahat ng kadramahan mo at hindi ka huhusgahan.

May mahinang katok akong narinig at kasunod no'n ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Lianne na nakataas ang kilay. Nakasimangot din ito noong maglakad palapit sa hospital bed ko. Inalalayan niya akong maupo sa ibabaw ng kama pagkatapos ay naupo siya sa katabing sofa.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon