Chapter 11

554 31 0
                                    

Don't Dare

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Don't Dare

Isang Linggo ang nakalipas noong magkasagutan kami ni Fire. Sa loob ng isang Linggo na 'yon ay wala akong narinig mula sa kaniya. Hindi rin ako naglalagi sa apartment ko dahil natatakot akong puntahan niya ako roon. Natatakot akong harapin siya pero kabaliktaran naman ang gusto ng puso ko. Minu-minuto kong tinitingnan ang cellphone ko kung nag-text ba siya o tumawag, ngunit kahit isa roon sa dalawa ay wala akong natanggap galing sa kaniya.

I feel sad and broken at the same time. Something hollow was painfully creeping into my heart. I missed Fire... I missed him so much but I couldn't do anything.

"Okay ka lang ba, Serena?" Napalingon ako sa kaklase kong si Hope bago tumango.

"Sama ka ba sa 'min ngayon?" ani Thea.

Ngumiti ako bago umiling. "Hindi na muna. Busog pa ako."

Wala akong choice kundi magsinungaling kahit ang totoo ay nagugutom na ako. Ayokong lumabas ng building dahil natatakot akong makasalubong si Fire. Matapang naman ako sa ibang bagay, pero pagdating kay Fire para akong nawawala sa sarili.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kung sakaling magkita kami. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin pagkatapos ko siyang sagut-sagutin.

"Sure ka ba? Kahapon di ka rin sumabay sa 'min." saad ni Shiela sa malungkot na boses.

Ngumiti ako. "Babawi ako next time."

"Una na kami, Se." paalam nila.

Ngumiti ako bago kumaway at kunyaring inabala ang sarili sa mga notes na nakakalat sa ibabaw ng mesa ko. Mababait sila kaya tinuring ko na rin silang kaibigan bukod kay Lianna. Simula noong magkasagutan kami ni Fire ay sila na ang kasama ko tuwing lunch. Minsan rin akong sumasama kapag gumagala sila at kahit paano ay nakakalimutan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Fire.

Ilang minuto rin akong nakatungo habang nag-iisip ng kung ano-ano na hindi ko man lang napansin ang pagtunog ng cellphone ko kung hindi pa sinabi ng classmate ko.

"Serena, your phone is ringing. I think that's important because it's ringing for a minute already." Napatingin ako kay Adrianne at nakatingin siya sa bag ko. Sa lahat ng classmates ko, sa kaniya talaga ako nahihirapang makipag-usap dahil English speaking, pero isa siya sa pinakamabait kong classmate.

"Thanks, Din..." sabi ko at hinalungkat ang loob ng bag ko.

Sumasabay sa tunog ng cellphone ko ang kabog ng dibdib ko. Ayokong mag-expect pero hinihiling ko na sana si Fire ang nag-text pero taliwas sa inaasahan ko ang nangyari.

Kunot-noo kong binasa ang text ni Grant pagkakuha ko sa cellphone ko.

From: Grant Marcaballes

Nasaan ka?

To: Grant Marcaballes

Nasa campus. Bakit?

From: Grant Marcaballes

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon