Chapter 18

338 23 0
                                    

Starry Night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Starry Night

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napasandal ako sa likuran ng pintuan matapos niya akong hilahin.

"G-Grant?" bulalas ko noong mamukhaan ang lalaking nasa harapan ko.

"Serena, umiiwas ka ba sa akin?" Malamig ang kaniyang mata at buong-buo ang kaniyang boses. Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi ko makuhang tumingin ng matagal sa malalamig niyang mata, kaya naman ay ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.

"Serena, sagutin mo 'ko. Umiiwas ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali?" tanong niya.

Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko dahil sa boses niyang nahihirapan. Hindi ko mawari kung bakit ganito siya ngayon. Ibang-iba sa Grant na kilala ko. Parang ibang tao ang nasa harapan ko at hindi si Grant.

"H-Hindi kita iniiwasan." Gustuhin ko mang patatagin ang boses ko ay hindi ko magawa, lalo na noong mapatingin ako sa mala-yelo niyang mata.

"Pero ganoon ang nakikita ko. Wag mo naman akong iwasan, Serena." Puno ng hinanakit ang kaniyang boses. Para bang hirap na hirap siya. Iyong tipong may mas malalim na kwento pa roon.

"G-Grant... I'm sorry." tanging nasabi ko.

Parang ayaw mag-function ng isipan ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya.

"This is about Castillione?" Matigas niyang saad. "Why it is always about him? Fuck that asshole! He loves to stole everything!"

Kahit nakatapik na ako sa pintuan ay pilit ko pa ring siniksik ang sarili ko. Nagbabakasakaling makalayo kay Grant at sa mga titig niyang nagliliyab.

"I'm sorry, Grant. I'm sorry..." sabi ko at ang mata ay nakatuon sa sahig. "... tinuring kitang kaibigan pero mas matimbang si Fire."

Napayuko ako. Ayokong makita ang magiging reaksyon niya kung sakali. Pakiramdam ko kaya ko pang tagalan ang mga galit na mata ni Fire kesa sa nagliliyab na mga titig ni Grant sa akin.

He's acting weird. He's no playful right now. Nakakatakot pala siyang magalit. At hindi ko rin maintindihan kung bakit galit na galit siya. Dahil ba sa iniiwasan ko siya o may iba pa?

May nabuo na akong konklusyon kung bakit ganito siya umasta at hindi ko kayang tanggapin 'yon. Grant is just a good friend to me. No more, no less.

"Forget about what I said, Grant," sabi ko.

Lalabas na sana ako sa restroom ngunit bago iyon ay nahila niya ako pabalik.

"Then you left me with no choice, Serena." The frustrations on his face faded as his lips curved into a smirked.

Iniwan niya akong gulat sa aking kinatatayuan. I've never seen it coming, lalo na at kay Grant pa galing.

Sino ka ba talaga, Grant Marcaballes?

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon