Fix
NARINIG ko ang pag-flush sa kabilang cubicle at kasabay noon ang pagbukas naman sa kabila. Nanatili akong nasa loob noong magsalita ang isang babae.
"Sa tingin mo wala na si Fire at ang girlfriend niya?"
Napantig ang tainga ko sa narinig. Hindi na muna ako lumabas ng cubicle.
"Maybe... hindi sila madalas magkasama. Ang madalas kasama ni Fire ay yung nanalong Ms. Hinampang," sagot naman ng isa pang babae.
"Grabe talaga, ano! Baka nagsawa na siya doon sa Alvarez?" narinig ko ang mahinang tawanan pagkatapos.
"Baka nga! Hindi naman maganda 'yon. Matalino lang. Pero ang plain at ang stiff."
Stiff? Umangat ang sulok ng labi ko.
Huli kong narinig ay ang pagbukas at sarado ng comfort room. Doon ako nakahinga nang maluwag. Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nakarinig ng tsismis na ako mismo ang bida.
Lumabas ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Napatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin.
Plain and stiff?
I tilted my head. Tiningnan kong maigi ang kabuuan ko. Tama naman sila, plain at stiff ako. Pero kahit gano'n ay wala silang karapatang pagtsismisan ako.
Pumunta ako sa library pagkatapos. Nagbasa lang ako ng kahit ano at noong mapagod ay naisipan kong umalis na.
Palabas ako noong matanto kung sino ang nasa bukana ng pintuan. Fire is walking together with Lovely and another guy na sa tingin ko ay kaklase rin nila.
Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang buhok at para iyong iniihip ng hangin sa paningin ko. Para akong naestatwa sa tinatayuan at hindi makagalaw. Nanghihina ang dalawa kong tuhod.
Gusto ko sanang umurong pabalik at magtago sa pinakadulong bahagi ng library pero huli na.
His eyes were darker than dark chocolate and colder than glaciers. His intense dark eyes could burn me instantly kung hindi lamang siya nagbawi ng tingin.
Napakagat ako sa ibabang labi noong lampasan niya ako. Umirap si Lovely at sumunod kay Fire sa loob.
May parte sa kasuluk-sulukang bahagi ng pagkatao ko na umaasang habulin niya ako. Na sana kausapin niya muli ako. Na sana ako pa rin...
But hoping can hurt you. I should always thought of that.
I could clearly feel a pang of loneliness and longing deep in my heart. Ilang Linggo na ba ang nakalipas na ganito kami?
Ah, almost two weeks. And I was in searing pain for almost two weeks. But it felt like I don't have the right to get hurt, lalo na dahil ako naman ang may kasalanan. Ako naman talaga di 'ba? Ako iyong maarte at tinulak-tulak siya palayo tapos unang masasaktan? Nakakatawa...
BINABASA MO ANG
Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)
General FictionPleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks for revenge, the other hungers for love. In this complicated world full of secrets and lie, can lov...