Glass House
"IT'S ONLY 5 months, Love. It's only 5 months. We can get through this..."
Humugot ako nang malalim na buntong hininga. Muli kong naalala ang huling pag-uusap namin ni Fire ng personal. That was 3 months ago... and after that, we rely to video call for communication.
Medyo nakakalungkot. Merong mga oras na gustong-gusto kong nasa tabi ko lang siya pero mahirap, eh. Hindi pwede kasi ilang milya ba ang layo ng New York sa Pinas?
Hindi gano'n kadali kagaya nang dati na kung gusto ko siyang makita, mahawakan o makatabi ay isang tawag ko lang sa kaniya ay nasa harap ko na siya. Ngayon, kailangan ko munang magtiis. Sabi nga ni Fire, "We will fight for our love. Just don't give up, Serena..."
And yes, I'm holding onto it. I never give up because he gave me that assurance before he left for New York.
Lakad lamang ako ng lakad at kahit ako ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natagpuan ko na lamang na dinadala na pala ako ng dalawa kong binti sa rooftop kung saan parati kaming tambay ni Fire.
Napangiti ako noong masulyapan ang paboritong spot namin ni Fire tuwing pumupunta kami rito. Naglakad ako papunta roon at naupo sa isang batong upuan. Pinagmasdan ko ang mga tao sa baba at mukhang masaya sila. Malungkot akong ngumiti... Mabuti pa sila...
Pinasadahan ko ng daliri ang upuang bato kung saan parating nakaupo si Fire. May luhang kumawala sa aking mata at agad akong tumingala upang pigilan iyon. Agad kumunot ang aking noo noong may mukhang bumungad sa akin.
"Grant," sambit ko.
"Serena," sabi niya at tumingin sa upuang bakante. "Can I sit?"
Tumango ako.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Grant noong maupo siya. Pinaglaruan ko ang aking daliri para hindi mabagot. Napansin ko naman ang pagiging uneasy ni Grant sa kinauupuan niya.
Tumikhim ako dahil talagang hindi ko na kaya ang katahimikan. "Kumusta ka na?"
Diretso ang tingin ko sa field pero kita pa rin sa gilid ng aking mata na nakatingin si Grant sa akin.
"I'm fine... I guess. Ikaw, kumusta?"
"Okay lang din... Sa tingin ko."
"Do you miss him?"
Sandali akong lumingon kay Grant at muling tinuon ang atensyon sa field. Ngayon ko lang napansin na maraming tao ang nasa field.
"Araw-araw ko siyang nami-miss. Hindi naman mawawala 'yon, eh. Lalo na pag talagang mahal mo."
Mahina siyang tumawa kaya kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"He's blessed, he has you..."
"I'm blessed too for having him. We have each other..."
"Now I'm hating myself for using you against him... and for hating you."
BINABASA MO ANG
Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)
General FictionPleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks for revenge, the other hungers for love. In this complicated world full of secrets and lie, can lov...