Chapter 33

292 6 0
                                    

Am I Not

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Am I Not

NANLULUMO akong bumalik sa upuan noong mapag-alaman kay Liam na may tour ang business ad students. Napanguso ako sa sobrang pagkadismaya. I'm not disappointed with Fire. I am disappointed with the situation. Kung kailan gusto ko ng ayusin ang gusot sa pagitan namin tsaka naman sila umalis. Ngumiti ako nang mapakla.

Buong araw ay lumilipad ang isipan ko. Sa mga sumunod na araw ay gano'n din. I am too eager to see him. I am too eager to talk to him. I am too eager to be back on his arms. I admit, miss na miss ko na siya. At kahit gaano ko siya kagustong tawagan ay hindi ko ginawa, ayokong maging istorbo sa kaniya.

"Se, 'wag kalimutang may plates tayong kailangang ipasa next week," paalala ni Thea.

Tumango ako bago lumabas sa classroom. Tumuloy ako sa library para ipagpatuloy ang paggawa ng thesis.

Noong mapagod sa paggawa ng thesis ay pumunta na ako sa shop. Madalang ang customer lalo na't weekdays kaya hindi gaanong kabigat para sa akin. Paminsan-minsan nga ay pinagsasabay ko pa ang paggawa ng assignments at trabaho.

Pumunta ako sa sakayan pagkatapos ng trabaho ko. Ilang minuto na akong nakatayo sa sakayan pero wala pa ring jeep o kaya taxi na dumadaan. Sa sobrang inip ay sumilong at umupo muna ako sa waiting shed.

Walang taong dumadaan kaya nakakatakot. Hindi naman secluded ang lugar, pero dahil sa kadiliman at tanging lamp post lang ang mga nakasindi ay nakakatakot pa rin lalo na pag nag-iisa ka lamang. Parang any minute ay may hihila na lamang sa 'yo.

May dumaang kotse. Kumunot ang noo ko habang sinusundan ng tingin ang sasakyan. Pagewang-gewang ito at parang nawawalan ng control. Nakaramdam ako ng kaba habang titig na titig sa sasakyan. At dumoble iyon noong mismong nasaksihan ng dalawang mata ko ang pagbangga ng kotse sa isang malaking puno.

Natutop ko ang aking palad sa sobrang gulat.

Sa news ko lang nakikita ang mga ganitong pangyayari kaya ngayong kitang-kita na mismo ng dalawang mata ko ay hindi ako mapakali.

Natataranta ang buong katawan ko at pakiramdam ko na-mental block ang isipan ko. Nanginginig ang kamay ko habang tumatawag ng ambulansya. Pagkatapos kong makatawag ng ambulansya ay tumawag naman ako sa police station.

Patuloy sa panginginig ang mga kamay ko noong ibalik ang cellphone sa loob ng aking bag. Tinakbo ko ang pagitan patungo sa kotse. Yupi ang harapan at umuusok.

Dalawang tao ang lulan ng sasakyan. Isang lalaki na mukhang ang driver at isang matandang babae. Buhay pa ang lalaki dahil nakita ko ang paggalaw niya. Sinubukan kong katukin ang bintana niya. Nakita niya ako at sinubukang buksan ang pinto. Nabukas iyon kaya nakalabas siya. May dugong umaagos sa kaniyang ulo pero tila balewala iyon dahil agad siyang nagtungo sa pintuan kung saan naroroon ang babae.

Nabuksan ang pinto na kinaroroonan ng babae ngunit wala itong malay. Lumapit ako sa babae at dinama ang pulsuhan niya. Pumipintig pa iyon kaya nakahinga ako nang maluwag.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon