~*~
Jaydeen Shone's POV
"Hey Look! Hindi ako ang malandi dito. Ano bang alam ko na dumating siya ng bigla bigla considering na nakaupo ako sa lap ng manliliga-
"STOP! Ikaw ang rason kung bakit siya umalis! Ikaw ang dahilan, Haydee! Yes you're right. Hindi ka malandi. Kasi punung-puno ka ng ka- plastikan! You're a fvckin' wh%re!!"
"Don't blame me. Kasalanan niya yun. Umalis siya ng hindi man lang pinapakinggan si Arthur, neither hearing my side. Pinili niyang lumayo."
"Eh sinong sisisihin ko? Si Nick? Kasalanan niyong dalawa 'to. At tsaka bakit naman kasalanan ito ni Phine, siya na nga ang na-traydor, siya pa ang may kasalanan. Ayos ah? Ang galing mo naman, Haydee. Hindi niya kasalanan kung hindi niya pinakinggan ang mga sasabihin niyo kasi nakita na nang dalawang mata niya ang kaharutan niyo ni Nick. Mga walang hiya kayo. Lalong lalo ka na Haydee, sarili mong pinsan nakaya mong saktan. Wala kang kwentang tao. Ngayon tignan mo. Kaalis lang ni Alexis, and now. Sumunod siya. Now tell me Haydee, pano na-
"THAT'S ENOUGH!"
Si Nick Arhur Rivera.
"Tarantado ka pala eh!"
I grabbed his collar at tinulak siya ng malakas sa wall. He is Bvllsht! A traitor.
"TAMA NA! JAYDEEN! Nanghihimasok ka na nga mananakit ka pa! Ano pa bang gusto mo?! Ha?!"
"Kung hindi mo nga kasalanan. Huwag kang mangingialam dito." I gave her a death glare.
~*~
Haydee Dianne's POV
Mukha akong tanga umiiyak sa gilid. Halos dumudugo na ang labi ni Arthur. Awang awa ako pero wala akong magawa. Si Jaydeen naman na kita mong gigil na gigil kay Arthur. Yung suntok na yun. Ganti yun. Dahil sa mga nalaman niya. Para kay Phine yung mga suntok niya.
Pinunasan ni Jaydeen ang labi niya. "Nick Arthur Diaz Rivera. Hindi ka na bata. Phine is not a toy! Huwag kung sino sino ang pinaglalaruan mo." kalma niyang sinabi.
Hindi nakapagsalita si Arthur.
"Mula ngayon. Hindi na ako kasali sa banda. I quit. Actually, matagal naman na talaga akong nagquit eh. Simula noong umalis si Alexis, nagbago na ang lahat. As in walang wala na. Wasak na wasak na. Kasi you know what Haydee, isa ka rin sa sumira nito. Because you're a boyfriend stealer and friendship wrecker."
"T-tol."
Nagsmirk si Jaydeen, "Tol? Ang galing mo talaga Nick." sabi ni Jaydeen habang pumapalakpak siya. "And the winner for the best actor goes to NICK ARTHUR DIAZ RIVERA. Kapag nakita ko si Phine. Hinding hindi ko na siya ibibigay sayo. And I'm telling you. Umalis ka na sa buhay niya. Umalis ka na sa buhay naming lahat. Akala ko pa naman kung totoo ka. Minsan iniisip ko kung bakit ka naging kaibigan ka ni Alexis. Kung bakit tinuring ka niyang bestfriend, eh hindi ka naman mapagkakatiwalaan. Siguro niloko mo rin si Alexis kaya siya pumuntang Londo--"
"Hindi yan totoo! Kaibigan ko si Alexis mula pa pagkabata. Hindi ko siya kayang saktan, hindi ko siya kayang lokohin, kahit maglihim sa kanya, hindi ko kayang gawin. Mahal ko si Alex, dahil siya lang parating nandyan sa akin kapag may problema ako. Tinuring ko na rin siyang kapatid ko. Kaya watch your words, Jaydeen."
Umiling na lang si Jaydeen. Kasabay nun. Lumabas siya ng bahay.
"Arthur..."
"Please. Haydee. Get out."
"But-
"Please."
Umalis ako ng bahay. Di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit kailangang humantong sa ganito? Pumunta ako dito para kay Phine. Pero sa nakikita ko, nagpunta ako dito para sirain ang buhay niya.
Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hanggang sa nakita ko si Richelle.
"Haydee?" sinirig niya yung mukha ko.
"Richelle." napayakap ako sa kanya. Napaiyak ulit ako.
"Tell me what's wrong."
Ipinunta niya ako sa park. Kung saan pwede kong ilabas ang problema ko.
"I'm so stupid. No I'm selfish. No. I mean, I'm a fool-
"Tama na. Wala ka sa lahat ng sinabi mo. Haydee. Sabihin mo kung ano yung problema mo."
Nagsalita ako ng di nakatingin sa kanya. "Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Pumunta ako dito to take care for Phine. My cousin. Kasi yun ang bilin ng mom niya bago nawala. But then, I ruin my cousin's life. Hindi ko intensyong saktan siya. Mistress ako sa lovestory ng pinsan ko."
"No, that's not true. Think of us na parang prize sa amazing race. Yung sumusuko't nahihirapan, talo! Matira ang matibay."
"But. Wait. Alam mo ba kung saan nagpunta si Phine?"
"I don't have any idea. I'm sorry."
~*~
Inphinety Shai's POV
Sinundan ko siya sa klase niya. Sa lahat ng subjects niya! Nakakapagod. Gash!
"Hoy!" sigaw ko
Tinignan niya ako mula sa likod.
"Kanina mo pa yata ako sinusundan?"
WHAT?! So, alam niya pala. Eh bakit hindi niya ako kinausap. Pinahirapan niya pa ako.
"A-ah. eh"
"Umuwi ka na."
"Wala akong bahay."
"Tsk, I mean. Umuwi ka na sa bahay ko."
"Maraming salamat pala sa pagpapatuloy mo sa akin kagabi."
"Ayos lang."
"Ano nga pala yung buong pangalan mo? J-Ja-Jaz?"
"Jaz Arthur Chan."
"Chan? So?-
"Half Filipino. Half chinese."
Pagkatapos nun iniwan niya ako. Naglakad siya ng tuloy tuloy. Ako naman hindi ko pa kabisado yung lugar kaya hinabol ko siya.
"Oy! JAZ!"
"Stop calling me Jaz! Call me ARTHUR!"
DAMN! HOW CAN I MOVE ON?
BINABASA MO ANG
♪Let the music play on♪(Currently Editing)
Teen FictionUNDERCONSTRUCTION. LOL. Kasalukuyang ineedit. MARAMING SALAMAT! -Phin.G