34♪LTMPO♪

98 18 1
                                    

~*~

Maxene Alexis' POV

Pagpunta namin sa venue, nakita ko agad si Tita na siyang tuwang tuwa siguro kasi nakita niya ako. Kidding. Niyakap niya ako at nagbesso. Ang bango ni Tita. Nakakahiya naman yung amoy ko sa amoy niya. Binati ko rin siya ng Happy Birthday kaya mas lalo siyang natuwa sa akin.

"Salamat, darliiiing!" tuwang tuwa siya tapos may lumapit na babae sa amin. Maganda siya, mas bata siguro sa akin maganda yung kutis manang mana kay Tita.

Nginitian lang ako ni Tita, "Darling, I want you to meet Tricia. Zhane's sister. Galing Manchester. Doon kasi namin siya gustong paaralin. Si Darren naman nagpaiwan kasi gusto niyang matutunan kung paano mag patakbo ng business."

Humarap sa akin si Tricia, ngumiti. Sa pagkakaalam ko, hindi lang yun basta ngiti. Kundi, pilit na ngiti. "Oh, Hi. Anong name mo?" tinanong niya ako kaya sinabi ko yung pangalan ko sabay nun, pinaalam niya ako kay Tita at kay Darren para hiramin muna.

Naglakad lakad kami hanggang sa makahanap kami ng mauupuan. Masyado kasing maraming tao ang dumalo. Isa pa, nakaformal attire sila habang ako nakasuot ng uniform. Kung bakit kasi hindi muna ako pinagpalit bago kami pumunta dito.

Nag-order si Tricia ng wine kaya napa-order na rin ako. Ginaya ko order niya.

"Alam mo, si kuya mabait yan. Hindi niya ako pinapabayaan." wika niya,

"Ma-mabuti naman." maikling sagot ko. Bakit niya ba ito sinasabi sa akin? Do I look like I care?

"Am, Tricia. Ilang taon ka na?" pagchachange topic ko. "I'm fourteen." sagot niya. Tumango na lang ako hanggang sa dumating yung waiter at kinuha namin ang mga orders namin.

Actually, hindi ako umiinom. At hindi ako iinom. Hindi rin ito basta wine lang. Sa pagkakaalam ko, 'tequilla' ang tawag dito. "H-hindi mo susubukan ate Max?" tanong niya sa akin. "Ano kasi-"

"Hindi ako papayag na uminom ka niyan, Alex."

Napatingin kami ni Tricia sa nagsalita. It's Darren.

"U-uh" di ako nakapagsalita. Bigla na lang nilayo ni Darren sa akin yung tequilla.

"Kuya!! That's her order! Hayaan mo siyang-" pagsingit ni Tricia.

"TRICIA I KNOW! Pero mas alam ko kung ano yung nakakabuti sa kanya!" tumaas ang boses ni Darren sa kapatid niya kaya di ko napigilang sumingit sa usapan or lemme say away nila,

"Pwede ba, pwede ba kayong dalawa. Tequilla lang yan. Hindi ko ikakamatay 'yan. Kaya please? Stop arguing? Tricia? Darren?"

Tapos tumigil sila. Hanggang sa hinigit ni Darren ang braso ko.

"Kung gusto mong uminom, maraming drinks dito. Sorry pe-pero hindi ko hahayaang uminom ka ng ganung klaseng-

"Alam ko ang ginagawa ko, Darren. Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain," tinignan niya ako, grin-look.

"Oh bakit?" tanong ko,

"Piglet." hindi nakaligtas sa aking pandinig yung bulong niya. Tinapakan ko nga yung paa. Anong piglet? Ang sexy ko naman para maging piglet lang.

♪Let the music play on♪(Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon