Chapter 41:

80 15 1
                                    

U.G'S NOTE:
HI LOVES! HAHA. Parang bigla ko na lang namiss ang magsulat :D Kaya sunod sunod updates. Hahaha! Nagstop na 'yung reads ko e. Nakakalunglot lang. Anyways, let's see kung ano pong nararamdaman ni Jaz sa mga pagkakataong ito. At ang mga chapters na ito ay madrama pero hindi ito SPG. Okay, Enjoy!

____

JAZ ARTHUR'S POINT OF VIEW.

Nagising na lang ako bigla ng nakayakap pa rin sa akin si Shai. Hindi ko nga alam kung gising na ako kasi ang dilim pa rin.

"Gising na si Jaz." Narinig ko ang boses ni Mommy na siyang papalapit sa akin.

"Ma? Mama?" Kinapa kapa ko ang paligid ko. "'Nak, maya maya darating na 'yung doctor mo. We decided na paoperahan ka kasi hindi ako papayag na makita kang ganyan." Sabi niya sa akin. Parang galing siyang iyak. For sure iniyakan na naman ako nito.

"Ma. Kalma ka lang, ayos lang sa akin na maging ganito. In fact, mas makakatulong ito sa akin. Si Shai ay hindi para sa akin. Magpaparaya na naman ako ma. Gusto ko maging masaya naman si kuya at ganun rin si Shai. Pero hindi ibig sabihin nun e, masaya ako para sa kanila. Kaya nga masaya ako nang malamang hindi na ako makakakita kasi finally mababawasan na bitterness ko." Natawa pa ako sa sinabi ko. Totoo naman e, ako na yata ang taong masayang nabulag. First time 'yan in Philippine History!

Kulang na lang magpaparty ako ng sobrang grande dahil sa pagkabulag ko. Sana nabingi na rin ako. Para wala na akong marinig.

Kahit masakit, kung masaya naman siya. I'll sacrifice.

"Nasaan ba si kuya ma?" Tanong ko habang nilalaro ang buhok ni Shai. Sure ako na mamimiss ko ang babaeng 'to.

Si Inphinety na mas malala sa forever. Siya ang kauna-unahang babaeng pinagkatiwalaan ko. Minahal.

Sa kanya rin ako unang masasaktan.

"Ewan ko, may inasikaso na papeles. Ewan."sagot ni Mama. Halatang nagmamake-up siya kasi alam ko yung tunog ng paborito niyang lipstick kapag binubuksan.

"Pakisabi na lang na sunduin niya na si Shai dito. Ramdam kong pagod siya."

"Aba naman, 'nak. Sige ako na ang maghahatid sa kanya pauwi. Para makapagpahinga ka na rin." Alam kong nagliligpit na siya ng mga gamit sa side table kasi doon ko nilalapag 'yung mga gamit ko. "Papahinga na ako ma, mag-iingat po kayo ni Shai." Pagkasabi ko 'nun ay pumikit na 'ko.

Naaalala ko, malapit na pala ang birthday ni Kambal. Di ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya. Dalawang araw na lang bago ang birthday niya.

Hay

Ang dami kasing nangyari. 'Nung una akala ko magiging karibal ko na ang kuya ko. Kaso mali, ako pala 'yung mang-aagaw. Masaya na sana eh. Hindi ko sinasabing naging isang malaking epal ang kuya ko sa lovestory ko. Actually ako ang kontrabida sa sarili kong story. Buti pa sina Fiona at Shrek. Si cinderella Si snow white. Si Rapunzel. Or kung sino man sa fairyland. Buti nagawan nila ng napakagandang ending ang bawat storyang kinapalooban nila. Ako kaya?

Kailan darating 'yung sa akin?

let me revise it.

Baka siya ang naghihintay sa akin?

Ugh. Ang gayish ko naman! Damn. Pero sana nga may nakalaan pa para sa akin. This time, hindi na ako magpapaagaw.

Matututo na akong lumaban.

NICK ARTHUR'S POINT OF VIEW.

FROM: MOMMY
Nak, hinatid ko na si Shai sa hotel. Ingat ka dyan.

Pagkabasa ko ng text ay agad ko ng itinago ang passport namin ni Shai. Gusto ko ngayong birthday ko mag-out of the country kami. Kaming dalawa lang muna para bawas stress. Ipapabantay ko na lang si kambal kay mama. Tiyak magseselos 'yun kasi nanakawin ko na si Shai sa kanya.

Pero hindi lang 'yun ang plano ko. Gusto ko magkabati bati na lahat ng nasa banda. Gusto kong ibalik lahat ng nasira ko.

Pati 'yung sinira kong tiwala na binigay ni Shai sa akin.

Ibabalik ko 'yun ulit. Kahit forever kong pag-ipunan. I know, worth it naman.

Agad akong pumara ng taxi para makapauwi na ako sa Hotel.

Last day na namin sa resort ng hindi man lang kami nag-enjoy, dahil sa mga di inaasahang pangyayari.

Wala pang 10 mins. Nang nakarating na ako sa hotel. Nadatnan ko na lang si Shai sa kwarto niya na busy sa pag-iimpake.

"Dadalhin mo pa ba ang mga iyan?" Nakatingin lang ako sa kany at halatang gulat siya nang makita ako. Agad niyang inilagay ang mga piictures na iyon sa maleta. Mga pictures nila ni Kambal.

"U-uh, oo...malamang." sabi niya at saka binalik ang tingin sa mga litrato.

"Sa susunod gusto ko, 'yung tayo naman 'yung magkasama." Alitanya ko pero natawa lang siya.

"Di mo ba ako natanong kung sino ang gusto kong kasama?" Sarkastik niyang sabi. Napapapoker face tuloy ako, "I know for sure you want to spend the rest of your life to Mr.  ARTHUR RIVERA. The only man you ever dreamed of." Sabi ko sabay ngiti.

Tinaasan lang ako ng kilay.

"Are you nuts?"

"I love you too."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♪Let the music play on♪(Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon