Bhesssy! May sakit ako pero uupdate na 'ko. May crush rin ako eh. So, inspire ako. Hihi. Well, loves! Enjoy.
~*~
Inphinety Shai's POV
"What? Sasama ako kay Benj? Why?" sabi ko kay Jaz Arthur.
Tapos may biglang tumawag sa kanya. Kasi naman eh. Sabi niya tuturuan niya akong magbike pero, Benj insist na siya na lang raw. Paasa to.
"So? Tara Shai?" umakbay si Benj sa akin. Whattsk,
"Get your hands off me." ngumiti ako sa kanya para di mukhang nandidiri ako or ayoko na masyado kaming closer. Agad niya namang tinanggal saka kami naglakad pareho.
Nasa may park kami. Dito niya raw ako tuturuan. Kaso may kausap si Jaz kaya si Benj ang kasama ko dito.
Umupo muna kami sa mga bench,
"Alam mo, Shai..."
Magkatabi kami. Nakatingin lang akong diretso. Pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.
"A-ano yun?"
"May.. gusto ako-
*CLICK*
Nadistract ako dun sa kumuha sa amin ng litrato. Si Jaz. Tsk. Sipain ko yan eh. Lumapit siya sa amin.
"Shai. Turuan na kita."
Kinuha niya yung kamay ko.
"Bro" tapos tumango na lang si Benj. Mga boys language talaga.
"Try natin sa bike mo. Alright?" pinaupo niya ako sa harap at dun siya sa may likod ko pero siya may hawak ng handlebars. Pinahawak niya rin ako kaya nakapatong yung kamay niya sa kamay ko para mabalance kung sakaling matumba yung bike.
Amoy na amoy ko yung perfume niya. Ang bango, okay?
"Unang una sa lahat Shai, kailangan mong matutong magbalance. Madali lang naman. Hindi mo pa kasi nasusubukan." sabi niya
"Bakit kasi bike pa. May sasakyan ka naman. Diba?"
"Mahal ang gasolina. Isa pa, mahal rin ang magpacarwash." paliwanag niya
"Eh. Mayaman ka pa rin."
"Kung may mayaman man sa amin. Hindi ako yun. Si Papa."
"Ay. So? Wala kang-
"Si mama, kasama niya yung kapatid ko. May kapatid ako sa ibang tatay, Shai." itinigil niya yung pagbibike.
"U-uh. Sorry."
"Oh sige na. Try mo mag-isa." ngumiti siya. Tapos umalis mula sa pwesto niya sa likod ko.
"Paano kapag-" di niya pa ako pinatapos nang magsalita ulit siya,
"Tiwala lang. Andito ako." ngumiti ulit siya. Tapos tinry ko.
Nung una medyo nanginginig pa ako pero kaya ko siya. Kaya ko na ibalance. Madali lang pala.
Umuwi kami bandang 6PM. As usual, nasa bahay na naman si Benj. Bakit di niya na lang rin ampunin yung kaibigan niya tutal palaging nandito.
Pumunta ako sa kwarto. Oo, feel na feel ko na kwarto ko 'to. Isang linggo na rin pala ako dito. Tapos, saka ko lang napansin yung gitara sa may loob ng kwarto. Naaalala ko. Yung P-Force band. Well, napaisip tuloy ako kina Alex, Jaydeen, Sean, Richelle at ang kaisa-isang nagloko sa akin na si Nick. Buo pa rin sana yung banda at walang mangyaring masama sa kanila. Maliban lang kay Arthur. Kahit malasin na siya. Ayos lang sa akin. Kahit araw araw pa.
~*~
Jaz Arthur's POV
Tatawagin ko sana si Shai sa taas ng may narinig akong nagigitara at kumakanta.
NOW PLAYING: What are words by Alex Thao
LYRICS
In-open ko yung pinto. Nakita ko siya. Nakaharap sa bintana habang tumtugtog saka kumakanta. Ang ganda ng boses niya. Pero kung titignan mo siya, parang may mali.
"Shai." tinawag ko siya. Agad siyang napapunas ng luha niya.
"U-uh. I'm sorry. A-ano-
"Sinong iniiyakan mo?" diniretso ko siya.
"H-ha? Iniiyakan? Sus. Wala. Nadala lang ako sa kanta." pagpapaliwanag niya na di naman kapani-kapaniwala.
"Shai, hindi nagsisinungaling ang mata." pumasok ako sa kwarto niya at nilapitan ko siya.
"Alam ko. Pero. Promise wala to." hinagod ko siya sa likod. Pero mas lalo lang siyang napaiyak. Sino bang iniiyakan niya? Ang swerte na masyado.
Napayakap siya bigla sa akin, "Kung sino man yan. Stop crying. He doesn't worth your tears." pinunasan ko yung pisngi niya at finorm ko ng smile yung labi niya. "Tha-thanks."
"Tara sa baba. Naghihintay na sila Benj dun." tumango na lang siya at sinabing susunod siya kaya lumabas na ako ng kwarto niya.
Nakita ko si Benj na naghihintay sa amin. "Susunod daw siya" sabi ko sa kanya. "Bro. Parang ang labo. Alam mo yun, parang, parang walang akong pag-asa sa pinsan mo." napaupo siya sabay uminom ng soda.
"Tsk, bakit kasi nagpapaka-atat ka." sabi ko sa kanya. Wala pa siyang ginagawa tapos sasabihin niya ng wala na siyang pag-asa? How poor, bro.
"Bahala na nga, mag-s-sleep over nga pala kami dito ngayong gabi."
"Ikaw bahala," Sagot ko.
"Bro, kanina... Yung kinuhanan mo kami ng litrato. Saan 'yun?" nakangiti niyang sabi. "Hahaha. Mamaya na yun."
Kumain kami tapos si Shai medyo nahiya pang sumabay. Lahat kasi ng ulam na kinukuha niya, inaabot ni Benj para sa kanya. Kung ako lang yung babae, di ko rin yan sasagutin. Playboy kasi si Benj.
Tinanong ko si Shai kung ayos na ba siya. Sinuklian niya lang ako ng ngiti. "Arthur, pasama ako sa mall bukas pagkatapos ng klase. Please?" nagpout siya. Makakatanggi pa ba ako?
"Ah-eh, Shai gusto mo ako na lang? Treat pa kita" sumabat si Benj.
Napahawak si Shai sa batok, "Ah. Ano,-"
"Tayong tatlo na lang bukas. After class" sagot ko.
~*~
BINABASA MO ANG
♪Let the music play on♪(Currently Editing)
Teen FictionUNDERCONSTRUCTION. LOL. Kasalukuyang ineedit. MARAMING SALAMAT! -Phin.G