36♪LTMPO♪

129 19 2
                                    


~*~

Maxene Alexis' POV

Pinayagan ako ni titong mag sleep over kina Zhane. Si Zhane kasi ang nagpumilit kay Papa na dito na lang daw ako kasi gabi na raw tsaka delikado raw. Kahit sa totoo kung ano ano lang na palusot ang dinadahilan nila kay Papa para lang pumayag.

Ang nakakainis lang, nag-invite rin si Tricia ng kaibigan sa bahay nila. And worse! Si COLEEN pa. Whathe. Yay.

"Ah eh. Patricia, dun ka na lang sa Guest Room. Liligpitin ko muna , bago ka dun matulog." nakangiting sinabi ni Zhane. Pero I told him na ako na lang bahala, pero he insist na siya na lang. Tutal bisita ako dito. Edi bahala talaga siya.

Maya maya pa'y napag isipan kong tumungo sa pool nila para magpalamig. Sinasawsaw ko ang paa ko dun at sinaksak ang headset tsaka pumili ng kanta.

NOW PLAYING: Ride- Lowell ft. Icona Pop

"HOY!"

Tagos sa headset ko yung sigaw na yun. Kaya naman napalingon ako para tignan kung sino man yung nasigaw. Ah, si Chloe lang pala.

"Oh, Hi Chloe." tinawag ko pa siya para tumabi sa akin. Pero tinarayan niya ako. Ano ba, hindi ba 'to napapagod sa away? Ako pagod na eh. Kasi naman, palagi na lang siyang talo? Sanay na ako.

"Tsk. Bakit ka nandito?"  tanong niya na may halong pagsusungit.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan, Chloe? Bakit ka nandito?" ngumiti ako ng nakakaloko. Tama bang tanungin ako kung bakit ako nandito? Hell. Isa pa, sapat na ba ang dahilang BAKA lunurin ko siya rito?

"Oh? Nasan pala yung Boyfriend mong si Angelo? Di ka niya hinatid? Saklap naman nun. Kung ako sayo, pakamatay ka na." walang kamalay malay kong sinabi ang mga iyon at mas lalo siyang lumapit sa akin. Tumayo na rin ako para harapin siya. Sa totoo lang wala namang napapala ang away away eh? Palagi naman kasi yang talo. Ang loser.

Tinaasan niya ako ng kilay at napaisip. Siguro nga kung anong ginagawa ng boyfriend niya ngayon. "Anong paki mo sa boyfriend ko? He's...busy."

"Hindi dahilan ang pagiging busy kung mahal ka niya, Girl." ngumiti ako sa harap niya. Yung hindi plastik. Nagsasabi ako ng totoo. Nakita ko si Angelo kanina na may kalandian sa room. Eew.

"What do you mean? No. He's not cheating..." tapos napatahimik siya.

"Ikaw lang ang makakapagpatunay sa sarili mo na, mayroon ngang nilalanding iba ang boyfriend mo. At hindi ako. Una na ako girl." tumalikod na ako at aalis na sana nang sumigaw pa siya.

"PLEASE GO STRAIGHT TO THE POINT, MAXENE! Huwag kung ano ano ang sinasabi mo. Sino? Sino siya?" halatang curious siya sa kung sino yung babaeng kalandian ni Angelo.

Nagpout ako sa harap niya, "Girl, sorry. Girlfriend ka niya. Dapat sa mga panahon ngayon? Hindi na pinagkakatiwalaan ang mga katulad niya. Maraming manloloko ngayon, okay? Mag-ingat ka. Masakit kapag babae ang umaasa." paliwanag ko sa kanya. Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.

"Ba..bakit bakit mo ba sinasabi sa kin ito? Para masaktan? O baka may gusto ka sa Boyfriend ko kaya mo siya sinisiraan? Alam mo kung inggit ka na naman sa akin, ayos lang! Wala akong pakialam!" tinaasan na niya ako ng noses. At akmang tinaas ang kamay upang masampal ako, "Pero ang siraan ang boyfriend ko-"

♪Let the music play on♪(Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon