U.G's note:
HI GUYS! :) Ngayong si Nick Arthur at Jaz Arthur ay nareveal na. LOL! YAH! Ayun nga, kambal sila. And ano kayang pwedeng mangyari kay Phine? Si Jaz para kay Shai? Or si Nick para kay Phine? Please let me know :) Thankyou! Enjoy.----
INPHINETY SHAI'S POV"SHAI! BUKSAN MO 'TO. KAGABI KA PA DI KUMAKAIN AH. NAG-AALALA NA SI JAZ SAYO. BUKSAN MO NA PLEASE." Rinig na rinig ko ang malalakas na kalampag nila ng pinto kanina pa. Lalabas naman ako kung gusto ko. Hindi na kailangang tawagin kasi hindi ako aso.
Ang sakit.
Bakit sa dalawang kambal pa.
At bakit kasi late kong nalaman.
Nakakainis kasi palagi na lang late! Nag momove on pa ako sa kanya e! Bakit eepal na naman ba siya kasi alam niyang masaya na naman ako? Ganun na ganun na lang ba papel namin sa buhay ng isa't isa? Kasi ang sakit umasa e! Buti sana kung yung aasa ka na bibilhan ka ng laruan ng magulang mo pero hindi natupad. Sana ganun lang kasakit yun para mabilis kalimutan. Kaso the heck. If pinaglalaruan kami ni Cupid, hindi na ako natutuwa! Damn.
"Anak. Tita mo 'to. Mag-usap tayo.please."
naaninagan ako sa boses ni Tita. Agad akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. May dala dala siyang tray. "Kumain ka muna." Nginitian niya ako na para bang wala ng problema.
"Salamat po tita." Kinuha ko yung tray at inilapag sa side table at saka nag-umpisa na akong kumain. Magdamag akong nagmukmok. Wala namang nangyari. Hindi nasolusyunan problema ko. Kulang na lang e lumagak ako ng alak. 'Yung paraan na nakikita kong ginagawa ng iba kasi mabisa raw.
"'Nak. Kagabi pa lang eh, okay na ang lahat. Huwag mo ng problemahin 'yun, nak. 'Nung nakita kita, siguro parehas tayong nagulat. Pero nangyari na, 'nak. Ikaw pala 'yung Babae na palaging natukoy ni Jaz sa akin tuwing magkausap kami sa phone. Para sa akin, spesyal ka. Kasi ganun rin ang dalawa kong anak sayo. Siguro nga ang pagkakataong ito ay sinadya para sa inyo. Para magkita kayo kasi hindi pwedeng takasan ang nakaraan eh. Babalik at babalik 'yun, Shai. Ngayon, nagsasalita na ako na parang nanay mo at hindi ina ng dalawang anak ko na may gusto sayo."
Napahagulgol na lang ako ng iyak sa mga sinabi ni Tita. Napayakap ako sa mga tuhod ko. "Tita, ba...bakit sa Family Reunion niyo pa? Dapat ito 'yung masayang araw niyong magkakasama. Nakakagulo lang po ako tita..." napabuntong hininga ako "Sorry po ulit. Una, dahil nasaktan ko si Nick. Pangalawa, dahil minahal ko 'yung kambal niya. Pangatlo, dahil nasira ko ang family reunion na to na matagal niyo ng pinlano." Napayakap ako kay tita. Hinagod niya lang 'yung likod ko.
Feeling ko nabuhay na ulit si Mama.
Pinakalma ako ni tita at sabi niyang nag kaayos na raw 'yung kambal. Ako na lang raw ang hinihintay. Kaya naman agad akong tumayo at hinanda ko ang sarili ko para makita ang dalawa.
Sana madali lang ang pagkalimot.
Sana hindi na kailangan ng mahabang panahon para makamove on. Sana kasi.... hindi na lang ako nagmahal.Huminga ako ng malalim bago lumabas sa kwarto. Mamutla mutla pa ako kung titignan kasi pa-ulit ulit akong naiyak.
"Alam ko na ang lahat."
Napatingin ako sa likuran ko. Nakaupo si Jaz sa malapit sa bintana at may hawak na sigarilyo.
"Akin na nga 'yan." Kinuha ko 'yung sigarilyo at tinapakan. Pero hindi siya nagalit bagkus tumayo siya at tinalikuran ako saka naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
♪Let the music play on♪(Currently Editing)
Teen FictionUNDERCONSTRUCTION. LOL. Kasalukuyang ineedit. MARAMING SALAMAT! -Phin.G