~*~
Inphinety Shai's POV
Sinuot ko na yung uniform na bigay ni Arthur. Black uniform. With a bow tie. Actually, skirt siya. Okay! I admit, parang pang-koreano yung uniform. Maganda! Okay?
"Yung bike mo. Nasa labas. Una na ako."
WHAT?! Bike? Anong bike?
"Arthur, anong bike? Requirement ba yan sa school?"
"Tsk, igno ka ba? Hindi ka ba nag bi-bike, Shai?"
"Alam ko naman yung hitsura ng bike no. Pero hindi ko alam gamitin." tinarayan ko nga.
"Hayst, magpaturo ka sa akin mamayang hapon. Sa ngayon, doon muna tayo sa sasakyan ko." nagsign siya na bilisan ko raw kumain.
Pinaupo niya ako sa harap.
"Isuot mo yung seatbelt mo." sabi niya habang sinusuot ang seatbelt niya.
"Eh bakit pa?" pag-usisa ko.
"Para di ka madisgrasya. Stupid ka ba talaga?" napakamot siya sa ulo niya. Pero inirapan ko na lang.
Pagdating sa school, may kinuha siyang green folder sa may bag niya.
"Ipasa mo yan sa adviser mo. Alright?"
"Okay. Asan ba classroom ko?" inip na sabi ko.
"Yung nasa harap mo. Hintayin na lang kita mamayang dismissal niyo dito mismo sa labas ng classroom mo. Una na ako." tapos naglakad na siya palayo.
"JAZ!!" tinawag ko siya kaya napalingon siya. Tapos nagsmile. That dimple tho. "I-INGAT!" tapos pumasok na ako sa classroom ko.
Transferee. Bagong lipat. Walang alam sa kultura ng school na 'to.
"Bago ka?" tanong ng isang lalaki nung pagpasok ko.
"Isn't it obvious?" natarayan ko nga. Kaasar. Di ba halata? Ano sa tingin niyang ginagawa ko dito? Duh?
"Hi, I'm Ken." pagpapakilala nung lalaking nasa may harap ko. I mean. Nakaharang siya sa daan kung saang pwesto gusto kong umupo.
"Don't block my way please? Isa pa, tinanong ko ba pangalan mo?" WHAT? Natarayan ko ulit. Ah! Ang taray ko. Tama na tama na. Shut up na ako.
Tumabi siya sa dinadaanan ko. At last, nakaupo na rin ako.
Sinaksak ko yung earphones ko. Ang ingay eh. Ganito ba talaga dito? Di naman kami marami. Pero kung pakikinggan, para ka lang nasa zoo. Mga hayop.
NOW PLAYING: Because of you- Kelly Clarkson.
"Because of you, I never stray too far from the sidewalk.
AH. Ang drama. Napatulala ako. Naalala ko si Arthur, what I mean is. Si Nick Arthur Diaz Rivera. Sinaktan niya ako. Actually, hindi ako nandito para makamove on or something. I'm here for revenge. Hindi ako babalik dun, hanggang nakikilala ko pa ang pagmumukha niya. Kakalimutan ko siya. Dapat pagbalik ko dun, wala na akong feelings sa kanya. Dapat mula ngayon, hindi ko na siya isipin. Hinding hindi.
BINABASA MO ANG
♪Let the music play on♪(Currently Editing)
Teen FictionUNDERCONSTRUCTION. LOL. Kasalukuyang ineedit. MARAMING SALAMAT! -Phin.G