Chapter 38: Waiting moment

53 16 6
                                    

Authors note: Hi!. I Miss yah so much guys! Namiss ko lahat. XD So, kahit magulo pa sa una, sisikapin kong tapusin muna ito bago iedit lahat. Sayang naman kasi kung mabulok lang ang story na ito. Gayunding gusto ko pa naman bigyan ng book 2. Asahan niyong ibang iba na ang mga karakters na makikilala niyo. Dahil Action and romance ang isusunod ko. Orayt! Rock en roll. Bibilisan ko na lang po ang mga pangyayari sa kwento. Osige, ENJOY!

~•~
JAZ ARTHUR'S POINT OF VIEW.

Nagising ako dahil sa phone call. Tumawag si mama para sabihing magbyabyahe na raw sila papunta rito. Naalala ko. 18 pala ngayon. Family Reunion. Agad agad kong ginising si Shai para makapagbihis at makapag-impake na. Napagkasunduan kasi namin na doon na sa beach resort magkita kita. Nagrent nadin kami ng appartment doon para doon kami mag-overnight.

"Oo pala. Ngayon pala 'yun. Sige sige maghahanda na ako." Napabalikwas sa kama si Shai ng gisingin ko siya. Halatang gulat at hindi prepared eh. Paano ba naman kasi, kami ang nagset ng date tapos kami pa pala ang nakalimot.

Nagmadali akong nag-impake ng mga gamit. Naalala ko tuloy,

Si Mama at Papa.

Hay. Mag fa-family reunion kami ng wala si Papa. Ang lungkot.

"JAZ! NANDITO NA SINA MIGGZY! IKAW NA LANG ANG HINIHINTAY." Rinig kong sigaw ni Shai. "OO SIGE! PATAPOS NA AKO." sagot ko. Maya maya pa ng biglang may tumawag sa akin sa viber.

Dad calling...

Hindi niya alam kung gaano ko siya namiss. Sobra.

"Dad?"

(I'm really sorry Jaz. Hindi ako makakapunta. Busy kasi ako sa mga paperworks sa office eh. Sobrang hectic sa schedule. Bawi next time si Daddy.)

"If you can't make it here, hindi lang ako ang malulungkot. Pano si Mommy?"

(I told her na di talaga ako makakapunta. Nagpadala na rin ako ng pera nak. Ingat na lang kayo.)

"Orayt. Take care Dad!'

TOOT.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dad ay lumabas na ako ng kwarto. Palagi na lang tutok sa negosyo. Daig pa si Pinoy. Walastik. I'm still proud of him kasi nakakaya niya paring hindi kami makita para magtrabaho lang.

Inilagay ko sa maleta ang mga gamit namin. Sumakay kami ng van at naghire na rin kami ng driver papuntang resort.

Nasa Drivers seat si Manong katabi si Benj. Ni hindi ko nga maiguhit ang mukha niya. Si Miggzy ang nasa dulo at nasa gitna namin si Shai. Excited na tuloy ako makita si mama at si Nick. Gusto ko ng ipakilala si Shai kay mama.

"Para di ka mabored."

Inilagay ni Shai 'yung isang pares ng headset sa tenga ko at sabay naming pinakinggan 'yung Photograph ni Ed Sheeran.

"Nakakaantok naman. Akina phone mo, ako pipili." Sabay hablot ko dun sa phone niya. Hindi na siya nakaangal pa kasi nakatulog na pala siya. Wth. Nakalunok yata ng sleeping pills ang isang 'to. Mas mabisang pampatulog pala ang kanta ni Ed Sheeran.

Pinili ko 'yung 'Why not me.' By Enrique Iglesias. Para naman mawala unti ang atok ko. Unti unti kong pinikit ang mata ko para damhin 'yung ritmo ng kanta. Hanggang sa-

TOINK

Nasa lap ko na ang ulo ni Shai. Hindi ko maiayos ang upo ko kasi baka maputol ko ang tulog niya. Muli kong ipinikit ang mata ko at wala pang limang segundo ay tumunog ang phone ko. Yung pang alarm na ring tone sa Iphone.

♪Let the music play on♪(Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon