35♪LTMPO♪

96 18 2
                                    

Loooves!! As I can see, masyado na akong nagfofocus sa buhay ng dalawang tao, INPHINETY SHAI HAUSTON and MAXENE ALEXIS SCHOENSON. Balikan natin sila Sean, Jaydeen, Nick and Richelle. Enjoy!

~*~

Sean Raizen's POV

Isang buwan na ang nakalipas ng magbreak kami ni Richelle. Darnit, I can't move on! Why is it? Hindi naman kami ganoon kasweet katulad nina Inphinety at Nick kahit nasa ligawan stage pa lang sila. Pero, parang dinaig pa nila kami.

Kasalukuyan akong nasa cafeteria ng aming school. Ito na yata ang tambayan ko, hindi ko sinasabing gusto kong ibalin ang atensyon ko sa pagkain para kalimutan si Richelle. Actually no!, Bumibili ako ng pagkain sa cafeteria. Oo. Pero hindi ko yun kinakain. Others may say, 'I'm crazy' kahit sa tingin ko ganoon na rin ang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko kinakain ang order ko. Bagkus nilalagay ko lang iyon sa harap ko at mag-iimagine na si Richelle ang kaharap ko. Kumakain kami. Nag-uusap. Nagtatawanan. Masaya ba? Kahit alam ko sa sarili ko na, bakit ako ngingiti? Bakit ako sasaya sa sariling imahinasyon ko lang?

Tumungo ako sa classroom mag-isa. Andoon sina Nick, Jaydeen, at Richelle. Kasama pa ang mga ibang kaklase namin. Ang tahimik. Ang awkward ng surroundings. Parang... Nakakawalan lalo ng pag-asa ang banda kapag ganito na lang palagi ang makikita ko. Kahit sana hindi na kami magkabalikan ni Richelle. Kahit sana, magkaibigan lang ang turingan namin.

"BRO!"

Napatingin ako sa likuran ko. Si Jaydeen habang lumalapit sa akin, "Bro! Tara! Sasamahan kita mag move-on!" Inakbayan niya ako at tumawa ng nakakaloko.

Itinulak ko siya gamit ng siko ko, "What the hell are you saying, bro?" tumawa na lang siya hanggang sa mapunta kami sa Gym. Ang daming nagpapraktis, LOL. ANG DAMING SEXY!

"Bro! Welcome sa tambayan ko! Dito ako tumatambay tuwing nas-stress ako. Tuwing may nambabasted sa aking chix!" Tumawa siya ng malakas. Minsan talaga ang sarap itapon sa imburnal ang mga pinsang B.I. Pero sa tingin ko, sa sinabi niya. Pwede akong makinabang.

Nilibot ko ang mata ko. Ang dami talagang sexy, hindi mo na kailangang maghanap. Nakahalera na sila sa harap ko mismo. Busy sila sa practice. Siguro dahil may malapit na event na sasalihan ang school namin.

"Oh, Hi Babe! What brought you here?" Sabi ng babae kay Jaydeen. Maganda, maputi, SEXY siyempre. Blonde hair, matangos na ilong, malalim na mata at KISSABLE ang lips! Darn! Is this Jaydeen's way to move on? Well, it's easy! Wait! I KNEW IT, Siya si Raine.

Ngumiti si Jaydeen at lumapit kay Raine na siyang pawis na pawis, "Nothing, I just miss you. Babe" habang hinahaplos ang pisngi ni Raine,

"Yeah, Before I forgot, susunduin pala kita mamaya sa labas ng classroom niyo, okay?" Kiniss ni Jaydeen si Raine sa forehead. At saka bumalik na rin si Raine sa pag-eeherisyo. WHAT THE HELL IS THIS? AM I LOST?

Nginisian lang ako ni Jaydeen, Oh! Ang yabang! "Broooo! Successs!" biro kong ganoon sa kanya.

"I can get what I want, bro." pagmamayabang niya. Sabi na nga eh, masarap talagang ihulog sa imburnal ang mga ganitong klaseng tao.

Tinulak ko siya, "By the way, kelan pa naging kayo?"

"The exact date? FEB. 15. Remember that day? Nung umalis si Alexis?" sagot niya. Ang daming date na pwede niyang sagutin si Jaydeen, sa 15 pa. Tsk.

♪Let the music play on♪(Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon