~*~Maxene Alexis' POV
*SPLASH*
Napatingin ako doon sa may pinaggalingan ng malakas na hampas ng alon. Nakita kong tumatakbo si Nick, pero wala si Phine doon. May nakita akong kamay na tila naka-angat at humihingi ng tulong, agad akong tumayo at pumunta doon.
"NICKKKK!" Tinawag ko siya. Hindi ko na siya kayang hintayin pa.
Tumingin siya sa akin at pumupunta malapit sa akin.
"Si Phine, nalulunod," Agad kong sabi hanggang malayo pa siya. Di ko na siya kayang hintayin pa.
"ANO?" Gulat na gulat siya at biglang napasisid.
Ako naman nakatayo at hindi alam ang gagawin. Hindi ko napigilang lumusong na rin. Hindi ko kayang tumayo lang at pinapanood ang kaibigan ko na nalulunod.
"Phine, kahit ngayon lang..." Sumisid ako at nakita ko kaagad ang katawan ni bhessy. Nasa ilalim na siya ng tubig, wala ng malay. Bigla kong hinila ang kamay niya pataas. Naramdaman kong napaahon siya at nakita ni Nick ang pagtaas niya at tinulungan ito.
"PHINE!" Hingal si Nick habang sigaw ang pangalan ni bhessy.
"Salamat Alexis. Umahon ka na dyan!" Narinig ko ang sigaw ni Nick sa akin.
Rinig kong binuhat niya ito upang iahon at ipahinga. Habang nasa ilalim ako ng tubig nakita ko ang necklace ni bhessy. Sa pagkakaalala ko, bigay ito ng mom niya. Napigtas ata nung nalunod siya. Pinilit kong abutin ito. Nang nasa palad ko na ang kwintas tataas na sana ako upang ihabol sa kanya ito ng may maramdaman akong may mahigpit na humawak sa paa ko. Tila parang natali ito, unti-unti kong naramdaman na nawawalan na ako ng hangin at maraming napasok na tubig sa bibig ko. Hindi ko na kayang tumaas at iahon pa ang sarili ko. Naramdaman kong may tumusok sa paa ko, napakapit na lang ako ng mahigpit sa kwintas at unti unting dumilim ang paligid.
~*~
Sean Raizen's POV
"Ba-bakit si Phine?" Nagulat ako ng biglang pumasok sila Nick at Phine ng basang basa dito sa villa nila Alexis na tinuluyan namin.
"Anyare dyan? Huy phine uy" Si Chelle habang tinatapik niya si Phine.
"Phine, Phine!!!!!" Si Nick, Tumingin siya sa akin at magdalawang isip siya na Imouth-to-mouth si Phine.
"Kagagawan ko ito, Bro." Sabi niyang natataranta dahil hindi pa nagising at wala paring malay si Phine. Pinress niya sa Chest si phine.
"Uhkkkkkkkk...*cough*" Nagulat kaming lahat sa malakas na pag-ubo ni Phine at lumabas ang tubig sa bibig niya.
Biglang napayakap si Nick kay Phine ng nagising ito.
"Akala ko, may nangyari ng masama sa iyo."
"E-*Cough* Ayos lang *cough*
"Arthur. Teka!" Biglang nabuhayan ng loob si Phine nang sinabi niya iyan. Nagulantang kami ni Chelle doon pati na rin si Nick.
BINABASA MO ANG
♪Let the music play on♪(Currently Editing)
Teen FictionUNDERCONSTRUCTION. LOL. Kasalukuyang ineedit. MARAMING SALAMAT! -Phin.G