U.G'S NOTE:
Ano naman kaya ang nangyari kay Jaz Arthur? Tunghayan natin ang mga pangyayaring makakapagpabago sa buhay ni Shai. Huwag po nating kalimutang magcomment dahil gusto ko pong malaman ang inyong iniisip o kung may ideya ba kayo sa mga susunod na mangyayari. ENJOY!___
Dinala si Jaz sa pinakamalapit na Hospital. Hindi ako pinasama ni Nick kasi baka hindi ko raw kayanin.
"Lord, tama nang kunin niyo ang isa. Tanggap ko ng iniwan ako ni Mama at kung mawawalan pa ako ng isa ngayong araw, isama niyo na rin po ako."
Sunod sunod lang ang pagpatak ng luha ko. Kasabay 'nun ang mga thoughts na pwedeng mangyari kay Jaz. Hindi pwedeng hanggang dito lang, hindi pwedeng mawala siya.
Hindi niya ako iiwan.
Hawak hawak ko 'yung kwintas na siyang ibinigay ko sa kanya 'nung Monthsary namin. Nasira 'yung lock niya pero buo parin 'yung pendant.
"Tinangka raw nakawin 'yang kwintas na 'yan kaya hinabol ni Jaz kung sino man 'yung magnanakaw na 'yun. Hanggang sa umabot sa ganito." Sinabi ni Benj sa akin lahat. Lahat ng nangyari. At dahil 'dun,
Mas lalo lang akong napaiyak.
"Itong kwintas na bigay mo, iingatan ko 'to. Tulad ng ginagawa ko sayo." Naalala ko 'yung sinabi niya sa akin nung First Anniversary namin.
Isa 'yun sa mga pinakamasayang parte ng buhay ko.
Nagmahal ako.
At minahal ako pabalik.
'Yung dati stranger siya sa akin. At hindi ko inaasahang darating sa point kung saan mahuhulog ang loob namin sa isa't isa. Itong point kung saan kailangan kong mamili ng isa sa kanila. Ngayon pa na ang hirap para sa sitwasyon niya. Naaksidente siya kasi hindi niya nga gustong maagawan diba?
Naawa na ako. Sa sarili ko at sa kanya.
Bakit sa ganitong timing pa mangyayari 'to?
"I think, kailangan mo na siyang puntahan." Sabi ni Miggzy sa akin habang hinahagod ang likod ko.
"Pero,..miggzy."
"Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Ako rin! Si kuya rin! Diba alam mo na may gusto ako kay Jaz? Diba alam mo na may gusto si kuya sayo? Alam mo ba 'yung sakit na makita na nagkakandarapa sila sayo? Alam ko ang nasa choices mo lang ngayon ay 'yung dalawang kambal. Wala si kuya sa choices mo. Ginawa niya na lahat ng ginagawa ng isang boyfriend sayo, Shai. Hindi ko alam kung manhid ka or what. Pero hindi ako galit! Actually inggit ako. Kasi gusto ka ng taong gusto ko."
Napaawang ako sa sinabi niya.
"Puntahan mo na siya, para sa akin. Please?" First time kong makitang umiyak si Miggzy. Worst sa harap ko pa. "Ibabalik ko siya sayo. Darating rin ang araw na mapapansin ka niya at hindi na ako. Darating rin 'yung araw na ako na ang maiingit sayo. Una na ako." Pagkasabi ko 'nun, umalis na ko.
Tinakbo ko 'yung Hospital kung saan nakaconfine si Jaz. Gusto kong mapagod. Para hindi ko maramdaman 'yung sakit.
'Nung nasa harap na ako ng Hospital, parang gusto kong umatras. Pero para kay Miggzy ito e. Hindi na ako uurong.
"Anong room po 'yung Jaz Arthur?" Pagtatanong ko 'dun sa doctor.
"Rivera po ba?"
"Opo."
"Kaano ano mo po siya Maam?" Tinignan niya ako na parang nagtataka.
Napaisip ako.
Ano ko ba talaga siya?
"Kaano ano niyo po 'yung pasyente maam?" Muli tanong sa akin nung Doctor.
"Girlfriend niya."
Nginitian niya ako. "Sa room A7 po maam." Pagkasabi niya 'nun dumiretso na ako sa room na sinabi niya.
"Lord, tulungan niyo po siya."
Hingal hingal akong dumating sa room na yaon. Ang naabutan ko lang 'dun ay si Nick at si Jaz.
"Tol, si Shai alagaan mo ah." Para akong natunaw na yelo nung marinig kong muli ang boses ni Jaz.
"Parang nagpapaalam ka naman? Masamang damo ka diba?" Sabay tumawa ng malakas si Nick.
Ang sweet nilang magkapatid. To think na parang wala lang nagyari. To think na mahal pa rin nila ang isa't isa.
"Crazynut. Mas mabait pa rin ako sayo, tol. Bulag nga lang"
Nagulat ako sa isinagot niya. Pagkatapos 'nun, kinapa kapa niya si Nick.
Shit.
"Hindi ka na nakakakita?"
Nagulat silang dalawa dahil sa biglang pagsulpot ko.
"Diba sabi ko sayo huwag ka ng pupunta dito?" Pagsuway sa akin ni Nick pero hindi ko siya pinansin.
NOW PLAYING: I'll never go.
Kinapa kapa ni Jaz yung gilid niya. "Shai? KUYA, nandito si Shai. Shai?!" Bumuhos lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Jaz naman." Napayakap ako sa kanya.
Hindi nga siya nawala. Buhay nga siya e. Pero binawi ni God yung liwanag na siyang nagbibigay pag-asa sa kanya.
"Bulag na ko, Shai." Mahinahon niyang sabi sa akin.
Walanghiya naman e! Bakit nagagawa niya paring kumalma pagkatapos ng lahat?
Bakit ang tibay niya?
"Sayang. Nasabi ko na ba sayong maganda ka? kung bakit ba naman kasi napipipi ako sayo eh. Magsalita ka naman." kinapa kapa niya yung kamay ko at niyakap niya 'yun.
"Magsalita ka lang, Jaz "
Kinapa niya 'yung mukha ko at napansin niyang luhaan ako. Napansin ko ring naluluha na siya. Ang sakit tignan na 'yung lalaking palagi kang tinititigan e di ka na nakikita.
"May plano talaga si God no? Binulag niya ako para hindi ko kayo makita ni kuya. Para hindi ako naiinggit. Para hindi na ako masasaktan." Tuwang tuwa siya habang sinasabi niya 'yun. "Binulag niya ako, kasi para kayo ni kuya sa isa't isa. Ang basic, Shai no?"
BINABASA MO ANG
♪Let the music play on♪(Currently Editing)
Teen FictionUNDERCONSTRUCTION. LOL. Kasalukuyang ineedit. MARAMING SALAMAT! -Phin.G