32♪LTMPO♪

164 22 3
                                    


~*~

Sean Raizen's POV

Umalis si Haydee ng pabigla-bigla. Nalaman ko yung nangyari kina Haydee, Phine, at Nick. Nung Sabado,  pumunta si Jaydeen sa bahay nila at hinarap niya si Nick. Actually, andito sila sa bahay ko ngayon.

Si Richelle at Jaydeen.

"Bro, sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Baka pwede pa nating gawan ng paraan ang lahat." Sabi ko kay Jaydeen.

Kinamot ni Jaydeen yung ulo niya, "Bro. Siguradong sigurado na ako. I quit. Hindi ko matitiis si Nick. Baka uminit lalo ang dugo ko kapag nakita ko siya." halata sa kanya na galit na galit talaga siya.

"Bro, huwag ka namang ganyan-"

"Una na ako ako, bro." tumayo siya atska umalis.

"Pero, babe. Ano bang nangyayari? Bakit halos lahat nagsisi-alisan na sa banda?" wika ni Richelle.

"Babe, I don't know why. Pero, I'm pretty sure. Babalik ang lahat sa dati." napabuntong hininga ako.

Kinuha ni Richelle ang bag niya, "Tara. Date tayo!" hinila niya ako palabas ng bahay.

"Te-teka babe! Di pa ako nakakapagpalit." paliwanag ko.

"Haha, you don't have to. Pogi ka pa rin sa suot mo, Babe." niyakap niya yung kanang braso ko.

Dumiretso kaming mall. Sa Desert Sky Mall.

"Anong gagawin natin dito?" tinanong ko siya.

"Hindi mo talaga alam? Anong araw na nga ba ngayon?" napakamot siya sa ulo niya.

"Thursday, babe." sinagot ko siya.

"I know right? Ang tinatanong ko, kung anong meron ngayon?"

"Babe, ano. Happy birthday?" ngumiti ako. Pero failed.

"Tsk, nakakatampo ka babe!" nakakunot siyang humarap sa akin saka tumalikod at tumakbo.

Hinabol ko siya. Nahawakan ko yung kamay niya. Ano nga ba ngayon? 26. Oh ano naman. OOPS! ALRIGHT!

"Babe, Happy 3rd Monthsary." bulong ko.

Humarap siya sa akin, "Buti naaalala mo.... Pero," yumuko siya at nakita kong may tumulong luha sa mata niya.

"Babe, ano?"

Pinalo niya ako sa chest.

"Nagtatampo pa rin ako sayo!"

Tinalikuran niya ako atsaka lumakad ulit palayo.

Hinabol ko siya. Sa dami ba namang problema ang kinahaharap ng banda ngayon, maalala ko pa ba na Monthsary namin ngayon?

"Babe, I'm sorry okay?" napatigil siya. Nasa may terrace kami.

Nakayuko lang siya na nakaharap sa akin, "Sorry if I forgot, Babe. I will make it up to you." kinuha ko yung kamay niya. Pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Naglakad kami. Hanggang sa napunta kami sa Ramyeon. Pinaupo ko si Richelle at um-order ako. Sabi ko ring hintayin niya ako pero di na lang siya nagresponse. Ano bang problema? Halata na eh.

♪Let the music play on♪(Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon