Chapter 15 Take Charge Mrs. De Vera

506 15 2
                                    


**MONICA's POV**

"Andito tayo ngayon para saksihan ang pag-iisang dibdib nila Lance at Monica na piniling magsama bilang isa" sabi ng officiating Judge na magkakasal sa amin. Ang totoo, sobrang kabado ako. Hindi lang ako nagpapahalata.

"Are you okey"? tanong ni Lance sa kalapit ko.

"Yah! malakas lang ang aircon dito kaya nanginginig ang kamay ko" pagdadahilan ko.

"Ang kasal ay hindi biro, kaya naniniwala ako na andito kayo sa harap ko ngayon dahil pinili nyong pakasalan ang isa't isa. Ang pag-aasawa ay isang pang habambuhay na responsibilidad so I understand na nung pinili ni Monica na pakasalan si Lance alam na niya ang mga magiging responsibilidad niya kay Lance, same way na si Lance kay Monica. Maaring madaming problema ang darating sa buhay niyo bilang mag-asawa as you take the journey to forever pero as long as andun yung love niyo para sa isa't isa kayang kayang lampasan lahat ng problema" mahabang sabi ni Judge.

Sa sinabi ni Judge parang bigla akong na-guilty. Kasi dun sa unang sentence pa lang sablay na kami ni Lance. Hindi kami nagpakasal dahil sa Love kundi dahil kailangan namin ang isa't-isa. Although mahal ko naman siya, hindi pa din excuse yun para hindi ako ma-guilty. Para kasing dalawa na din ang niloko namin sa pagpapakasal namin, si Judge kasi naniwala siya na mahal namin ni Lance ang isa't isa at si God who watched from above.

"Put God in the center of your relationship para mas tumatag at mas tumibay ang pagsasama nyo bilang mag-asawa, but let me remind you! Hindi lang love ang dapat meron kayo para sa isa't isa, samahan nyo din ng respeto at mahabang pasensya sa isa't-isa" dagdag pang sabi ni Judge. Naramdaman ko nung pisilin ni Lance ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. At noon ko nakita na titig na titig siya sa akin.

Sinalubong ko ang mga titig na yun as if mawawala kami sa paningin ng isa't isa. Kung hindi pa tumikhim yung mga saksi sa likod namin hindi pa mababaling ang atensyon namin kay Judge Agustin.

"Let us hear your wedding vows" nangingiting sabi ni Judge Agustin.

Wedding vows?

Ang totoo wala akong nakahandang vows na sasabihin sa kanya dahil ang totoo I really don't know what to say. Kung pwede lang na wala na lang sabihin pero alam ko namang hindi pwede yun. Parte ng kahit na kaninong kasal ang wedding vows, so there's no excuse for me not to say my vow.

I took a deep breath tsaka ako nagsimulang magsalita.

"From this day, sa'yong sayo na ako Mr. Lance De Vera, umasa ka na magiging asawa ako sa'yo until the last day of my life " Nung sinabi kong papakasalan kita alam ko being your wife is a responsibility pero asahan mo na hindi ako bibitaw, andito lang ako. Maaring hindi ako marunong sa mga gawaing bahay sa ngayon pero I'm willing to learn so please understand kung hindi ako magiging perfect na asawa sa'yo" mahaba kong sabi bago ako pansamantalang tumigil. Those words came into my mouth naturally.

"And I promise na magiging loyal ako sa pangalang ipapahiram mo" dagdag kong sabi habang pinipigil ang pagbigik ng lalamunan ko.

I feel like crying!

My hands is shaking habang hawak ni Lance ang dalawa kong kamay, magkahinang ang aming mga mata.

I love him so much pero wala akong lakas ng loob sabihin.

Tumingin ako diretso sa mata ni Lance nung magsimula siyang magsalita. Ang totoo punong puno ng anticipation ang puso ko sa sasabihin nya.

"Wala akong maipapangako sayo kundi ang apelyedo ko, nung inalok kita ng kasal alam ko na madaming magiging pagbabago. I don't believe in marriage pero when you came into my life binago mo ang paniniwala ko tungkol sa kasal. I'm not looking for a perfect wife I just need someone na makaka-unawa sa kung sino ang tunay na Ako!And I promise that as long as gusto mo ako, as long as you want me to be your husband andito lang ako" he said, ramdam ko pa ng pisilin niya ang mga kamay.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon