Chapter 8 Date

536 9 2
                                    

**Monica's POV**

"Good morning Sir"!nahihiya kong sabi, hindi pa din kasi ako nakaka- get over after that accidental kissed 4 days ago. This is the first time na nagkaharap kami ulit after that night na lasing sya.

"Good morning!"sumagot naman sya pero hindi niya ako tiningnan.

The nerve!

Hindi man lang mag-apologize!

Nag-expect pa man din ako ng apology coming from him.

The day after the incident hindi kami nagkita dahil maaga siyang umalis nung umaga!

Late na siya umuuwi sa gabi kaya halos hindi kami nagkikita. Tinitext nya lang ako every time na may sasabihin sya or may ibibilin sya sa akin.

So I guess na iniiwasan niya talaga  ako!

Considering na lasing siya that night pero impossible namang hindi niya natandaan yung ginawa niya sa akin.

"Hmmp!Lamunin ka sana ng konsensya mo"pabulong na  sabi sa sarili ko.

Tatalikod na sana ako after mailahad ang mga pagkain nya for breakfast pero tinawag nya ako ulit.

"Magso-sorry na siguro"sabi ko pero sa isip ko lang.

"Ahmmm!"sabi niya pero wala ng kasunod.

"May iuutos ka pa Sir"?tanong ko.

"Wala akong assistant for a week but I need to attend a seminar in Batangas kaya ikaw ang isasama ko, ikaw ang magiging assistant ko during my seminar"madiin niyang sabi.

"Po"?nasabi ko na lang kahit na ang totoo ayaw ko.

Paano kung may makakilalang bigla sa akin?

Paano kung may makakita sa akin?

"Aalis tayo bukas ng umaga"

"Sir, wala po akong mga damit na pwede kong isuot"sa bagay na yun,nagsabi  ako ng totoo.

"Ibibili kita!Pupunta tayo sa mall to buy your things"

"Ayoko Sir, kung ibabawas nyo sa sahod ko" baka sakaling maging dahilan yun para huwag niya na akong isama.

"Wala akong sinabi na kakaltasin sa sweldo mo lahat ng gagastusin mo, let's just consider it as a gift"sabi niya.

"Okey Sir"!sang-ayon ko na din, wala naman kasi akong choice kesa mawalan ako ng tirahan kapag hindi ko siya sinunod.

"Pero Sir, kailangang may extra salary ako!Extra work!Extra payment"!sabi ko na intensyon ay asarin lang siya.

"I don't mind na magdagdag ako ng extra salary pero make sure na hindi ka papalpak dahil ayaw ko ng patanga-tangang assistant"!sabi niya kaya ako yung mas nainis kaysa sa nainis ko sya.

Kung pwede ko lang sabihin that I graduated my degree in Ateneo baka magulat sya.

"Try me!And I'll show you how good I am"!hindi ko napigilang sabihin sa sobrang inis. At nakita ko kung paano kumunot ang noo niya. Nagulat na naman siguro sa pag-English ko.

"Maligo ka na!Ngayon na tayo bibili"pormal na sabi ni Lance.

"Okey Sir"!yun lang at tumalikod na ako para maitago ko yung kilig.

Kinakabahanan man ako sa posibleng may makakilala sa akin kaya lang hindi ko pwedeng palampasin yung pagkakataon na makasama ko siya ng mas matagal. Sa Batangas magta-trabaho ako ng mas malapit sa kanya.

Mas personal yung magiging interaction ko sa kanya.

"Hey I said magbihis ka na"!sabi ni Lance na nagpabalik sa akin sa huwisyo.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon