Chapter 22 Epic Fail

279 11 4
                                    


**Monica's Pov**

Masakit ang ulo ko ng magising. Nakailang shot ako ng wine kagabi at nalasing kaya siguro masakit ang ulo ko kahit sa totoong buhay wala namang hang-over ang red wine. Pero ewan ko nga ba kung bakit nalasing ako, sanay naman akong umiinom ng wine at kahit pa anong alak noon.

"Paano mo siya haharapin Monica pagkatapos ng ginawa mo kagabi"! parang tangang kausap ko sa sarili. Ang totoo ayaw kong makaharap si Lance, kung babalikan yung mga sinabi ko kagabi parang gusto kong matulog na lang habambuhay. Huwag lang kami magkaharap.

Nakakahiya yung sinabi ko kagabi.

Hindi gawain ng matinong babae ang ginawa ko.

Kahit pa sabihing mag-asawa kami, hindi ko pa din dapat ginawa yun.

"Buntisin mo ako"!that's the exact word I said last night and thinking about it now parang gusto ko na lang na hindi humarap kay Lance. Hindi ko yata siya kayang harapin.

Gusto ko tuloy magsisi na inubos ko yung wine kagabi dahil kung hindi ako nalasing wala sanang nangyaring ganung eksena kagabi.

Hindi sana ako nagkalakas ng loob sabihin yung nabitawan kong salita.

Si Leslie kasi ih! Nag-suggest pa ng ganun!

And ako naman si gaga, sumunod naman! At till now hindi ko maisip kung ano ang nagtulak sa akin para gawin yun.

Lasing lang ba ako or desperate lang talaga?

"Ano ka ba Monica hindi ka naman lasing na lasing" sita ko sa sarili, the mere fact na natandaan ko yung nangyari hindi pwedeng excuse na lasing ako.

Tanda ko nga din yung nakatulala niyang hitsura kagabi.Napanganga pa siya sa sobrang gulat.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mainsulto sa naging reaction niya, siguro kung sa ibang lalaki, they would grab the opportunity pero si Lance, deadma Lang, hindi man lang yata siya naapektuhan. Pero napaisip din ako,

Hindi ba nya talaga ako type or he's trying to be a perfect gentleman?

Siguro kaya hindi ko din magawang mainis sa naging reaction dahil in a way humanga din ako sa kanya, pwede namang niyang patulan yung sinabi ko pero mas pinili niyang deadmahin na lang.

After niya akong ihatid sa kuwarto at masigurong I'm okey, lumabas siya ng villa. And hindi ko na alam kung anong oras siya bumalik.

"Good morning"! all smile na sabi ni Lance na kagagaling lang sa labas.

"Good morning"! casual kong sabi, magkukunwari na lang akong walang natandaan sa mga sinabi ko kagabi.

Papanindigan ko na lang na lasing na lasing ako at walang natandaan sa mga nangyari. Atleast hindi masyadong nakakahiya.

"Lasing ka kagabi. Kamusta ang pakiramdam mo"? sabi ni Lance.

"Kinulit ba kita"? tanong ko, I need to pretend na wala akong matandaan.

"Not really!"sabi ni Lance na may pilyong ngiti sa labi.

"Bakit ganyan ang ngiti mo"?tanong ko

"Wala lang, lasing ka lang siguro talaga kagabi kaya mo nasabi yun"?casual lang na sabi ni Lance pero feeling ko namula ang pisngi ko sa sobrang pagkapahiya. Ibo-brought out pa yata niya yung nangyari kagabi.

"Anong sinabi ko"?

"Sabi mo, Ano" pabitin niyang sabi

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon