Chapter 6 Run Away

421 10 2
                                    

**MONICA's POV**

"Marunong ka ba talagang maglaba"? madiing sabi ni Lance habang hawak ang isang puting long sleeve.

"Opoh" alanganin kong sagot. Nakita ko na kasing halos naging kulay pula ang puting long sleeve nya.

"Yah right! Kaya pala ganito ang nangyari sa long sleeve na'to" sabi niya sabay lahad ng mamahalin niyang long sleeve. Ganun din ang tatak ng mga long sleeve ni Papa kaya alam ko na mahal ang isa niyon.

"Sorry"! sinadya kong lambingan ang tono ko para kahit paano mag-lie low ang boses niya.

"You have no idea kung gaano kamahal ang isa nito"

"Bawasin nyo na lang po sa sweldo ko" sabi ko na lang para wala na kaming argue.

"Kulang pa ang isang buwang sweldo mo to pay this"! sabi niya habang itinataas ang long sleeve.

Nakakunot na ang noo niya!

Nakasimangot pa!

Pero gwapo pa rin sya talaga!

"So make it two months para makabayad ako"!sabi ko na lang ulit. There's no point para makipag-argue. Kasalanan ko naman kasi naisama ko yung puting damit niya sa de color ng magsalang ako sa automatic niyang washing machine.

"Paano yung mga damit ko na nasunog mo"? kunot ang noo pa din niyang sabi.

"Babayadan na lang kita ng pa-partial partial para dun Sir. In almost a month ko dito sa bahay niya as his maid dalawang slocks na ang nasunog ko, isang long sleeve at tatlong polo.

"Wala ka pang isang buwan dito pero andami ko ng damit na sinira mo"!

"Please Sir, huwag nyo akong aalisin"! paki-usap ko, kahit bayadan ko pa ang mga nasira kong gamit niya sa mga su-swelduhin ko okey lang. Ang importante kasi sa akin na may temporary shelter ako.

"What if tanggalin na lang kita para quits na tayo"!sabi niya but this time mas mahinahon na ang boses nya.

"If you will be happy to do that, go ahead"! sabi ko, too late para maalala ko na hindi ako si Monica Saavedra sa bahay ni Lance De Vera. Kinabahan tuloy ako ng mapatitig sa akin si Lance baka nahalata niya yung pag-ienglish ko.

"Baka naman sabihin mo unfair ako!Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon but make sure na hindi ka na papalpak or else mawawalan ka ng puwang dito sa bahay ko" yun ang huling sinabi ni Lance bago ako iniwan sa kusina.

"You better be good Monica or else sa kalsada ka pupulutin" paalala ko sa sarili habang tuloy sa pagsabon ng plato na ginamit namin nung dinner.

I don't know where to go kung mapalayas ako sa bahay nya.

Pero mas lalong ayaw kong mawala siya sa buhay ko.

I don't know kung kelan ba nagsimula

But one thing is certain.

I'm in love with him.

In the short period of time, mahal ko na siya.

**LANCE POV**

"Yaya Soledad, puro sya palpak" sabi ko kay Yaya Soledad na nasa kabilang linya.

"Oh eh bakit hindi mo pa palitan"? alam ko kahit hindi ko siya nakikita sigurado akong napapa-ngiti siya. May ibig sabihin na naman ang sinabi nya.

"I'm giving her another chance, but this will be the last" casual kong sabi para walang mahalata si Yaya. Ang totoo kasi kahit ako nagtataka na talaga sa sarili ko. Ilang beses na siyang pumalpak pero hindi ko magawang tanggalin siya sa trabaho.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon