Chapter 14 God's Will

497 11 0
                                    

**MONICA's POV**

"Good evening Sir"bati ko kay Lance ng abutan namin siya ni Leslie sa salas.

"Nagpasama ka na lang sana sa akin para hindi ka na ginabi sa pagsundo sa kanya"sabi ni Lance

"No it's okey! Sanay na din naman akong mag-commute"

"Good evening Sir" singit ni Leslie sa usapan.

"So you're the real Leslie"!casual na sabi ni Lance kay Leslie.

"Opo Sir"maikling sagot ni Leslie na tila nahihiya.

"Masyado ka namang pormal, Lance na lang and please tell her na Lance ang pangalan ko, ikakasal na kami bukas pero Sir Lance pa din ang tawag nya sa akin" all smile na sabi ni Lance na lalong nagpalutang sa kapogian nya.

"Ay oo nga naman, baka kapag kaharap nyo na si Judge bukas Sir Lance ang matawag mo sa kanya" baling na sabi ni Leslie sa akin, it seems na kumportable na agad si Leslie kay Lance at kinampihan ito agad. Ewan ko kung mali ako pero iba ang titig ni Leslie kay Lance. Imposible namang attracted siya kay Lance. General rule sa amin yung kay Maria ay kay Maria at ang kay Juana ay kay Juana so I don't think na attracted siya kay Lance.

Gusto ko sana siyang sawayin sa pagtitig kay Lance kaya lang hindi ako makahanap ng tiyempo.

"Eh sa nasanay na akong Sir Lance eh"depensa ko naman. Sabay irap sa kanilang dalawa.

"Hayaan mo Lance, masasanay din sya"sabi ni Leslie na kibit balikat lang ang sagot ni Lance. Lalo tuloy akong nainis.

"Nagpadeliver ako ng food for dinner, sumunod na lang kayo sa dining" pagbabago na ni Lance sa usapan bago tumalikod sa amin.

"Oh my God Monica!"narinig kong sabi ni Leslie nung kami na lang sa salas.

"Ang gwapo nya no"?pabulong kong sabi.

"More than that! Alam ko na kung saan ko siya nakita"nanlalaki ang matang sabi ni Leslie.

"Imposibleng nagkita na kayo"!now I understand kung bakit ganun ang titig nya kay Lance kinikilala nya pala.

"Sa sobrang gwapo nyang si Lance hindi ko makakalimutan ang hitsura nya"sabi ni Leslie na pandalas pa ang sulyap kay Lance sa dining.

"Nagkakilala na kayo"?kunot ang noo kong tanong. Knowing Leslie sobrang magaling ang memory nya sa napakadaming bagay.

"No!Pero nakita ko na siya, and if I remember it correctly, Siya yun" sabi ni Leslie.

"Siya ang alin"?kunot ang noo ko pa ding tanong.Clueless kasi talaga ako sa sinasabi nya.

"Tinitigan ko siya nung gabing yun kaya hindi ako pwedeng magkamali! Siya yung lasing na taga Maynila sa sayawan bago kita inihatid sa terminal" sabi ni Leslie.

"Andaming lasing nung gabing yun"! bigla sumagi sa isip ko yung lalaking nakabanggaan ko nung gabing yun.

"Siya yung nakabangga mo" sabi ni Leslie na bahagyang tumaas pa ang tono.

"No way!"sabi ko. Ang hirap paniwalaan na siya yung lalaking yun.

"Siya yun!Balikan mo sa isip mo ang nangyari nung gabing yun,"sabi pa ni Leslie.

"Hindi naman tayo magkasama nung mabunggo ako nung mamang lasing di ba?" sabi ko,

"Hindi nga, pero nakita ko yung pangyayari! Kasama niya si Mac, yung crush ko kaya all eyes ako sa kanila"

Hindi ako sumagot, instead ipinikit ko ang mga mata ko. Binalikan ko sa isip ang eksena ng gabing yun. Binalikan ko din ang hitsura ng lalaking lasing na nakabunggo ko noong gabing iyon.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon