Chapter 21 Priority

272 9 0
                                    


"Monica's Pov*

"What are you doing"?palihim na puna ko kay Lance nung makahanap ako ng tiyempo.

Sa harap ng Papa niya kasi panay ang halik nya sa pisngi ko, sa noo, sa buhok at twice na sa labi ko.

At kapag ganun siya, hindi ko ma-contain ang sarili ko.

Hindi ko kasi maiwasan ang lihim na kiligin.

Ikaw ba naman ang halikan ng ganito kagwapo ewan ko na lang.

"Relax lang okey, tingnan mo nga at hindi na siya makakain sa pag-oobserba" sabi ni Lance sa punong tenga ko.

"Hindi ba tau mukhang Oa"?sabi ko, na halos bumubulong lang din sa punong tenga niya.

"Ehemm"!sabi ni Papa na nagpabalik sa atensyon namin sa biyenan ko.

"Sorry Pa, na-carried away lang kami sa mga feelings namin" si Lance na yung sumagot sabay halik naman sa may punong tenga ko.

And as usual para na naman akong kinuryente.

"As I was saying, kelan nyo ba kami bibigyan ng apo ni balae" diretsahang sabi ng Papa ni Lance.

Bigla para akong nahirinan sa sinabi ni Papa.

Baby daw! Eh hindi pa nga namin nasisimsim ang amoy ng bawat isa.

At isipin ko pa lang na ginagawa namin yun parang mahihimatay na ako!

The act itself hindi ko alam kung paano gaganap! Tapos eto ang biyenan ko at tatanungin kami about having a baby.

"Darating tau sa bagay na yan Papa, hindi pa lang siguro kami maka-swerte ni Monica" narinig kong sagot ni Lance.

"You should hurry!We're not getting any younger ni balae"all smile na sabi ng biyenan ko.

"In God's perfect time Papa, ibibigay niya sa amin yung blessing na yun" yun ang mas safe kong sabihin. Tulad niya madalas sabihin ni Papa na sana magka baby na ako. Gusto pa nga niya lalaki para paglaki daw magaling din sa negosyo.

"And with that, here's my advance Christmas gift sa inyong mag-asawa" sabi ni Papa, sabay abot ng privilege card niya sa Balesin Island.

I never been in Balesin Island kaya bigla akong na-excite sa thought na pupunta ako dun plus pa yung fact na si Lance yung makakasama ko.

"Papa you know I'm busy"! sabi ni Lance.

"Pero para sa mga mahal natin dapat humahanap tayo ng panahon"

Nasaktan ako sa fact na hindi ako kasama sa set of priorities ni Lance pero syempre hindi ako nagpahalata.

Bigla parang nabura ang excitement na nafeel ko kanina. Ewan ko kung nahalata nila pero nalungkot akong bigla.

"I will check my schedule first" narinig kong sabi ni Lance.

"Will you please excuse me, may gagawin lang ako sa kuwarto" sabi ko sabay tayo para umalis na sa dining table.

Baka sa harap pa nila ako maiyak sa sobrang sama ng loob.

Nang marating ko ang kuwarto hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha.

I'm hurting pero naisip ko na part yun ng sitwasyon na pinasok ko. Kung noon siguro kaya ko pang bumitaw but at this point there's no way para maisipan ko pang humiwalay sa kanya.

I love him so much kahit na nasasaktan ako.

Nang biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Leslie.

"Kung sa tingin mo na nasasaktan ka na at hindi ka naman niya mamahalin talaga, umuwi ka na lang sa Papa mo" yun ang mga katagang palaging binibitawan ni Leslie sa tuwing nagsusumbong ako.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon