CHAPTER 20 The Compromise

339 10 3
                                    


**MONICA'S POV**

"Hindi ko alam kung hanggang kelan ko matitiis yung sakit every time na ba balewalain niya ako" wala sa loob kong sabi habang kausap ko si Leslie sa kabilang linya. After dinner at naligpit ko na yung pinagkainan, nagpaalam na ako sa Papa ni Lance para makapagpahinga. Madami pa sana siyang kwento about kay Lance pero pinili kong magpaalam na para matulog, masama na talaga kasi ang loob ko kay Lance the fact na hindi siya sumipot sa dinner ay isang indikasyon na hindi niya pinapahalagahan yung pagsasama namin. He doesn't care kahit pa anong isipin ng Papa niya tungkol sa pagsasama namin.

Wala siyang pakialam kung magmukha akong tanga sa harap ng Papa niya.

" Kung nasasaktan ka na, pwede ka namang umuwi na sa San Ildefonso at aminin sa Papa mo yung totoo"

"No way!I won't allow Papa to run my life again" madiin kong sabi. I'm sure na kapag nalaman ni Papa na palabas lahat ng tungkol sa naging kasal namin ni Lance, ipipilit niya na ma-annul ang kasal namin ni Lance at ipipilit niya akong ipakasal dun sa lalaking gusto niyang pakasalan ko.

"Kaysa naman ganyan!May asawa ka ngang naturingan pero huwad naman! If talagang mahalaga ka sa kanya, Hindi siya gagawa ng mga bagay na masasaktan ka"!

"He's doing his part naman, pinadalhan pa nga niya ako ng flowers kanina di ba" Hindi ko alam kung si Leslie ba ang kinukumbinse ko o ang sarili ko.

"I'm sure he knew na darating ang Papa niya kaya ka niya pinadalhan ng flowers"

"Hindi naman siguro"! sabi ko na Lang, sa dami ng mga nasumbong ko kay Leslie na negative about sa doings ni Lance hindi na ako magtataka kung bakit gusto na niya akong tumigil sa charade.

"Hanggang kelan ka mananatili sa bahay at buhay ni Lance"? tanong ni Leslie

"Hangga't kailangan naman ang isa't isa" sabi ko

"Kahit ikaw Lang ang nagmamahal"?

"Oo" maikli kong sagot

"Kahit hindi ka nya mahal"? seryosong tanong ni Leslie sa kabilang linya.

"Oo"!

"Kahit sinasaktan ka na nya"? tanong ulit ni Leslie.

"Oo"! madiin kong sabi.

"Hanggang kelan ka mo kakayanin yung sakit?"

"Hangga't umaasa ako na darating yung araw na matututunan niya din akong mahalin, hindi ako bibitaw!"

"Mahal na mahal mo na talaga siya no"?

"Let's just say na hindi ko na kayang magmahal pa ng iba"

"Hindi namang masama ang magmahal ng sobra, pero sa sitwasyon nyo ni Lance dapat magtira ka pa din para sa sarili mo, para kapag dumating yung araw na kailangan mo ng bumitaw, kayanin mo"!

"Kung sana kaya kong utusan ang puso ko na huwag na siyang mahalin siguro matagal ko ng ginawa pero feeling ko mas lalo ko siyang minamahal habang pinipigilan itong nararamdaman ko, sa bawat araw ng pagiging mag-asawa namin lalo lang lumalalim ang feelings ko para sa kanya"

"Naintindihan naman kita kaya lang pwede namang sumuko kapag alam mong dehado ka na" iyon ang huling sinabi ni Leslie bago siya nawala sa linya.

At naintindihan ko na concern sya sa akin kaya may mga times na pinapa-uwi na niya ako kay Papa dahil ayaw niya akong nasasaktan.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon