Chapter 33 Hold On

208 12 1
                                    

**Monica's Pov**

"Hindi na naman kailangang may baby's room pa" sabi ko kay Lance nung sabihin niyang gagawing baby's room yung stockroom na kalapit ng kuwarto namin.

"Why not"?kunot ang noong sabi ni Lance and I'm sure hindi nya nagustuhan yung sinabi ko.

"Uuwi din naman kami ng San Ildefonso"

"But still my baby deserve a place in this house" weird pero naramdaman ko na nagbago ang tono ng boses nya.

"Okey okey"!sabi ko na lang para wala kaming argument. Nonsense namang makipagtalo pa dahil pagdating sa kalusugan  at pagbubuntis ko siya palagi ang nasusunod and with that hindi na ako nakikipagtalo.

Atleast I'm getting all the attentions from him.

Pampered na pampered kami ni baby sa pag-aalaga ni Lance. He always make sure na okey kami palagi. He always make sure na okey yung mga kinakain ko, sinisigurado niya na iniinom ko ang mga vitamins namin ni baby. And everyday siya ang nagtitimpla ng gatas for me.

"Wala ka bang pasok today"?tanong ko, sa mga oras na to sana nag-aandar na siya ng pagpasok sa opisina but just like me, he's still in bed.

"Dito lang ako sa inyo ni baby maghapon" sabi niya sabay himas sa limang buwan ko ng tiyan. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ako nagpahalata.

"Akala ko ba may meeting ka today"?tanong ko, as much as I wanted na makasama siya maghapon, ayaw ko din namang mapabayaan niya ang trabaho because of me.

"Kaya na nila yun, naibilin ko naman sa kanila kung ano yung mga gusto kong mangyari"

"Hindi mo naman kailangang pabayaan ang trabaho mo ng dahil sa amin"

"Pero eto yung mga bagay na gusto kong gawin"

"You don't have to, andito naman sila Leslie at Mama Amelia for me" sabi ko, kasi yun naman ang totoo. Mama Amelia is sick pero she always find time para kamustahin ako, kahit na si Papa Abelardo ganun din.

I've given too much love and attention for the last months, at ayaw kong masanay. Lalo na sa presence ni Lance.

"I know na hindi ka nila pinapabayaan but please give me the opportunity na maalagaan ko kayong mag-ina" nahimigan kong nagtatampo siya.

"Ayaw ko lang na pati trabaho mo sa opisina maapektuhan nang dahil sa akin" sabi ko na lang.

"Madami silang pwede kong pagkatiwalaan sa opisina pero ako lang ang pwedeng mag-alaga sayo" madiing sabi ni Lance.

At dahil sa sinabi niya, lihim na kinilig na naman ako. Pero nawala din ang excitement na yun, nung maalala kong panandalian lang nga pala ang lahat.

"Ayaw ko lang masanay na inaalagaan mo"

"Why"?

"Baka hanap-hanapin kita when it's over"

"Andito naman ako palagi" sabi ni Lance.

"We both know na matatapos din lahat ng ito, I will continue with my life and you will mind yours pagkatapos nang lahat na'to, so bakit ko sasanayanin ang sarili ko sa isang bagay kung alam kong matatapos din naman" wala sa loob kong sabi.

"Shhhh! matagal pa yun, huwag muna nating pag-usapan" pagbabago niya sa usapan.

"Ayokong dumating yung araw na hanap-hanapin ko ang presence mo" wala sa loob kong sabi.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon