Chapter 3 Leslie

424 10 0
                                    

**MONICA'S POV**

"Ang mahal naman po ng metro nyo"! reklamo ko sa driver ng sabihin niyang six hundred yung taxi fare ko.

Meron talagang mga taong mapagsamantala.

"Aba Miss hindi ka na lang sana nagtaxi kung wala ka naman palang pambayad"! masungit na sabi ng driver.

"May pambayad naman po ako! Sobrang mahal nyo lang talagang maningil"! hirit ko pa din, kapag kasi nagbayad ako ng 600.00 sa mamamg ito, 400 hundred na lang ang matitira para sa akin.

"Kapag hindi ka pa bumaba mas lalaki pa ang bayad mo"! sabi ng may edad na ding driver, so wala na akong choice kundi ang bumaba na nga ng taxi. Wala ng sense na makipagtalo pa.

Sana lang andito si Divine! yun ang dasal ko, dahil kung hindi I don't know kung anong mangyayare sa akin.

Naka-ilang door bell ako, bago may nagbukas ng malaking bakal na gate.

"Anjan po ba si Divine"? tanong ko sa mid foutties na babae. Kasambahay siguro nila Divine.

"Naku Ma'am nasa New Zealand po sila Ma'am Divine"! sabi naman ng babae.

Lagot na!

Paano na ako?

"Ah sige po" matipid kong sabi. Nagsisimula ng dumilim at wala na akong ibang malalapitan para mahingan ng tulong. May mga pinsan naman akong pwedeng puntahan pero pag ginawa ko yun, para ko na ding isinuko ang laban ko.

Nagsimula na akong maglakad para makalabas na ng subdivision. Wala naman kasing nagdaraan na taxi or tricycle man lang, at kung meron man I don't think na sasakay pa ako. Sa sitwayon ko ngayon hindi ko na pwedeng bawasan ang 400.00 sa bulsa ko.

Heto nga at hindi ko pa alam kung saan ako matutulog.

Ang hirap nga palang maging mahirap!

Malayo-layo na din ang nalalakad ko ng biglang umulan. Wala naman akong masisilungan kaya pinili kong magpaulan na lang.

Nang biglang magpulasan ang tubig sa mukha ko ng dumaan ang isang puting kotse.

Damn!

What's with white car at parang ang malas ko naman yata. Pero unlike kanina, wala na akong energy para sigawan ang kung sinumang driver niyon.

Nang biglang sumagi sa isip ko ang gwapong mukha nung lalaki kanina.

Sa isip ko namemorya ko ang hitsura niya sa saglit naming paghaharap.

Ah! Bakit ko ba siya naiisip?

Sa problema ko ngayon hindi dapat siya ang iniisip ko.

And beside imposibleng magkita pa kami.

Sa gaganda ng bahay sa subdivision na to, I wonder kung gaano kayaman ang mga nakatira sa buong subdivision.

Ganito din halos kalaki ang bahay namin sa probinsiya.

I missed my home

I missed my room!

I missed my father!

I missed my life in San Ildefonso

Pero kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko.

And then Papa came into my mind. I wonder kung nag-aalala siya sa akin ngayon.

Napapagod na ako pero hindi ako pwedeng tumigil. Kapag tumigil pa ako aabutin na ako ng tuluyang pagdilim.

Nang bigla namang natapilok ako!

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon