Chapter 16 Kiss You Good Night

620 13 2
                                    

**MONICA's POV**

Malalim na ang gabi pero hindi pa din ako makapaniwala na kasal na kami ni Lance.

Nakatitig lang ako sa wedding ring kanina pa na para bang mawawala siya sa daliri ko kapag pumikit ako.

Ayaw ko pang matulog dahil gusto kong paulit-ulitin sa isip ko yung tagpo na naglapat ang mga labi namin kanina.

Feeling ko kanina tumigil ang mundo sa saglit na kiss na yun.

Maka-ilang beses ko nang binalikan sa isip ko ang mga naging eksena kanina sa apat na sulok ng opisina ni Judge Agustin pero yun mga naganap na yun ang mga eksena na babaunin ko kapag dumating yung araw na hindi na ako kailangan ni Lance bilang asawa nya.

Kanina, hindi pumasok sa isip ko na Fixed marriage lang ang lahat!

Ni hindi sumagi sa isip ko na pinakasalan namin ni Lance ang isa't isa para matakasan ang aming mga ama.

Ayokong isipin na nagpakasal kami dahil lang sa isang papel, dahil kasama ang puso ko sa nagdesisyon nung pumayag akong pakasalan siya. Pero paulit-ulit ko din namang pinapa-alalahanan ang sarili ko na darating yung araw na kailangan ko siyang pakawalan. Pero ayaw ko munang isipin lahat ng negative.

Because I'm excited sa mga susunod na araw dahil asawa ko na siya.

I'm excited na ipagluto siya!

Ipaglaba!

And I'm excited to wake up every morning knowing that he's just around the house.

I'm ready kung ano ang magiging mga pagbabago sa buhay ko.

Bahagya pa akong napapitlag ng mag-ring ng malakas yung cellphone ko. Nang tingnan ko yung screen ng cellphone pangalan ni Lance ang nakarehistro sa LCD ng cellphone.

"Hello"! sabi niya sa baritonong boses.

"Hi"! sinadya kong hininaan ang boses ko para kunwari nagising niya ako.

"Nagising ba kita"? tanong niya sa kabilang linya.

"May kailangan ka ba?"kapag dakay tanong ko.

"I can't sleep, if it's okey magkwentuhan muna tayo" sabi niya sa kabilang linya as if nasa magkaibang bahay kami gayong kalapit kuwarto ko lang siya.

"Anong pag-uusapan natin"?

"Ikaw at Ako!" simpleng sagot niya

"What about us"? tanong ko naman na pinipigil ang kilig. Knowing na gusto niya akong makilala ng lubos, excites me.

"Nagpakasal tayo ng hindi natin masyadong kilala ang isa't isa, so I guess we need to catch up para naman hindi magduda yung mga tatay natin in case na kaharap na natin sila" sabi niya sa sweet na tono pero nasaktan pa din ako.

Yun lang pala ang reason niya kung bakit gusto niya akong makilala ng husto.

But damn this heart, kahit na may objective siya to know me, kinikilig pa din ako.

Same way na sobrang lakas ng kaba ko.

"Okey! Give me two minutes" sabi ko bago pinatay ang cellphone ko.

Nakakatawa na magkukwentuhan lang kami on our first night.

Tiningnan ko muna ang hitsura ko sa over sized mirror bago ako lumabas ng kuwarto ko.

Nagwisik din ako ng paborito kong perfume para mabango naman ako kapag kalapit ko na sya.

"Huwag kang pa-obvious ha"! sita ko sa sarili nung malapit na ako sa salas.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon