Chapter 1 Chance Encounter

676 12 1
                                    

Chapter 1

**MONICA's POV**

"Magpapakasal ka sa anak ni Abelardo at ako ang masusunod"! mataginting na sabi ni Papa habang magkaharap kami.

Ilang beses na niya akong binalak na ipakasal sa mga binatang anak ng mga kumpare at business associates niya pero ngayon ko lang nakita sa kanya ang determinasyon na maikasal ako sa lalaking yun.

"Hindi mo ako pwedeng diktahanmsa lahat ng gusto mo Papa! Hindi ako magpapakasal sa lalaking yun"! sabi ko, kanina ko pa pinipigilan angnpagpatak ng luha.

"Don't you dare na tumakas this time Monica! Sisiguraduhin kong mahihirapan ka sa pagkakataong ito"! madiing sabi ni Papa.

Pero dedma lang ako!

Matalino yata ako!

Bago ko pa gawin ang plano ko! Sinigurado kong madami akong baon pag-alis ko. Inipon ko lahat ng monthly allowance para sa gagawin kong pagtakas.

And sa kalkula ko sapat na ang naipon ko para maisakatuparan ang aking plano.

"Babalik na ako sa kuwarto ko"! sabi ko pa bago iniwan si Papa sa salas.

Bakit ba kasi napaka-unfair ng buhay

Kung tutuusin na sa akin ang lahat!

Ganda!

Yaman!

Pero bakit hindi ako masaya?

Idinayal ko ang number ni Leslie ng maiandar ko ang mga dapat kong dalhin.

"Hello Leslie! halos pabulong kong sabi.

"Ano"? tanong niya sa kabilang linya, halos pabulong din siya kung magsalita.

Confidential kasi yung pag-uusapan namin.

"Tatakas ako mamayang gabi, tulungan mo ako"!

"Agad-agad"?

"Wala nang iba pang chance eh! Iluluwas ako ni Papa sa Maynila para maipakilala na ako sa lalaking yun! sabi ko pa.

"Bakit kasi hindi ka na lang pumayag sa gusto ng Papa mo! Malay mo siya na yung man of your dreams"! tila nang-iinis na sabi pa ni Leslie sa kabilang linya.

"Paano kung mukhang palaka pala siya"?

"Hindi basehan ang hitsura remember"? paalala niya sa akin.

"Paano kung manyakis pala"!

"Don't judge Monica until you finally meet the person"!

"Ah basta tatakas pa din ako! Tutulungan mo ba ako"? tanong ko kay Leslie.

"Kahit kelan talaga panira ka sa plano ko sa buhay! May sayawan mamaya sa kabilang bayan at dadalo ako!"

"At kelan ka pa nahilig makipag social life"? tanong ko.

"Ngayon lang! May gusto kasi akong makilala! Baka ako na pala yung babaeng hinahanap niya"!

"Sino? Yung kargador sa palengke na crush mo"? nagtatawa kong tanong.

"Hindi! Yung gwapong lalaking taga Maynila" sagot ni Leslie.

"Sus! Hindi lahat ng taga Maynila gwapo"!

"Ah basta! Kailangang makita ko muna si pogi bago kita tulungan"!

"Pwede namang bukas ah"! sabi ko, nakakatampo na mas uunahin pa ni Leslie ang lalaking yun kesa sa problema ko.

"Paluwas na din daw kasi pabalik ng Maynila" sabi ni Leslie.

"So hindi mo nga ako matutulungan"?

"Tutulungan pero agahan natin para makadalo pa tayo sa sayawan"! sabi niya.

"What"? never ko pa yatang na-experience ang umatend ng sayawan.

"Take it or leave it"! pakikipag deal ni Leslie.

"Okey okey! Payag na ako!" kahit naman ayaw ko wala naman akong choice. She's the only person na pwedeng tumulong sa akin.

**LANCE POV**

"Sige Kuya inom pa tayo"! sabi ko sabay tagay ng lambanog. Gusto kong magpakalasing dahil sa sobrang inis kay Papa!

He doesn't care about my feelings!

Bakit kailangang ipakasal niya ako sa babaeng hindi ko man lang kakilala?

Kapag hindi ko daw pinakasalan ang babaeng yun mawawalan daw ako ng mana!

Kung heirs lang wala naman akong pakialam!

Kung pera lang!

Pero ayaw kong mapunta ang perang pinaghirapan ng Papa ko sa anak ng pangalawa niyang asawa.

Kung meron mang may karapatan sa lahat ng naipundar ni Abelardo De Vera.

Ako lang yun!

"Lasing ka na kuya paano mo pa ang maisasayaw ang mga babaeng nakapila para makasayaw ka!" nagtatawang sabi ni Mac.

"Ayaw kong sumayaw! mag-inom na lang tayo"! sabi ko tsaka tinungga ang laman ng baso ko!

Babalik na ako sa Maynila bukas para harapin si Papa, madami na ding napending na trabaho sa opisina.

I 'm enjoying my life with Yaya Soledad, pero kailangan ko ng umuwi.

"Saan ka pupunta"? tanong ni Mac ng tumayo ako! muntik na akong matumba at tumama ang katawan ko sa isang babae.

Sa nanlalabo ko ng mata, nakita ko kung gaano siya kaganda!

"Sabi naman kasi kuya lasing ka na"! sumunod pala si Mac sa akin.

"Pasensya na Miss"! narinig kong sabi ni Mac doon sa babae.

"Miss maganda anong pangalan mo"? tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Para pa ngang nagdudumali siyang lumayo sa akin.

"Ang suplada mo naman"! sigaw ko pa sa kanya.

"Tara na kuya uwi na tayo"! sabi ni Mac, dahil wala na akong lakas para tumanggi sumunod na lang ako sa gusto ni Mac.

Hinanap ko uli yung babae kanina pero hindi ko na siya nakita.

**MONICA's POV**

"Lagot talaga sa akin ang babaeng yun mamaya! Pinilit niya akong pumunta sa sayawan na ito tapos iiwan niya pala ako.

Tulad ng usapan namin, from here ihahatid niya ako sa terminal kaya inihabilan ko pa yung gamit ko sa Dj's booth.

Malalim na ang gabi kaya kailangan ko ng oumunta sa terminal.

Ayaw kong may makakilala sa akin dito!

And besides madami na ding lasing!

Muntik na nga ako kanina!

Pero pagka-alala ko sa lalaki kanina, biglang bumilis ang sikdo ng puso ko!

Parang may kakaibang hatid ang paghinang nang mga mata namin kanina.

He got the cutest smile I ever seen in a guy!

Nawawala kasi yung mata niya kapag nakangiti.

Madilim sa bulwagan kanina pero malinaw sa akin ang pigura ng hitsura niya.

It's just so sad na hindi na kami magkikita.

Chance encounter lang yun!

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon