Chapter 2 Collide

588 11 1
                                    

"Oh my! wala na akong pera" sabi ko sa sarili ng makitang isang lilibuhing piso na lang ang laman ng wallet ko. Wala na din akong aasahan sa ATM ko dahil nung mag-checked ako kanina 150. 00 pesos na lang ang laman niyon. Wala din akong alahas na maibebenta o maisasanla dahil iniwan ko ang lahat ng alahas ko sa mansion.

Tinitikis talaga ako ni Papa.

Dati kasi one day pa lang akong nawawala nilalagyan nya ng malaking halaga ang account ko.

Pero titikisin yata nya ako this time.

There must be something with that guy kaya ganun ka-eager si Papa na maikasal ako sa lalaking yun.

Pero hindi ko siya susukuan

Kung akala niya uuwi ako ng San Ildefonso kapag nahirapan at naubusan na ako ng pera pwes mabibigo siya.

I won't give him the satisfaction at my expense.

I will not marry that man!

I don't even know his name! At wala akong balak alamin kung sino siya.

Matagal na akong naghihintay ng true love to come at hindi ang lalaking yun ang sisira sa paniniwala ko na may lalaking laan para sa akin.

Kaya nung gabing tumakas ako sa San Ildefonso sinabi ko sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ako uuwi ng San Ildefonso.

Maghirap man ako

Now that I'm 26 mas madami na akong pwedeng gawin ngayon.

Kaya ko ng buhayin ang sarili ko.

I need to be strong for my self dahil sarili ko na lang ang aasahan ko ngayon.

"This is the real world Monica" sabi ko sa sarili nung makalabas na ako ng hotel. After 3 days lumabas na ako sa pansamantalang shelter na pinagkulungan ko sa sarili ko.

"This is your new world Monica"! parang tangang kausap ko sa sarili.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pag-rerebelde ko kay Papa pero ito yung laban na hindi ko basta isusuko!

Hindi ako pwedeng diktahan ni Papa kung kelan ako magpapakasal at kung sino ang dapat kong pakasalan.

At hindi nya din saklaw ang puso ko kung sino ang dapat itibok nito.

"Damn!" napamura akong bigla ng muntik na akong masagasaan ng isang brand new sports car. Kung sinuman ang driver ng kotseng yun lagot sa akin! At kung hindi siya tumigil ipapahabol ko talaga siya sa traffic enforcer na nakapwesto sa may hindi kalayuan. Kahit gaano pa siya kayaman, hindi ko siya aatrasan.

Narinig niya siguro nung sumigaw ako kaya inihinto nya ang kotse nya. Pero hindi naman siya lumalabas ng kotse niya para kausapin ako o mag-sorry man lang.

"Hoy! Lumabas ka jan"! sigaw ko sa driver ng nakahintong kotse

Pero mukhang hindi siya natinag kaya kinalampag ko siya ulit but this time I make sure na mas malakas ang paghampas ko sa kotse niya.

"Hoy bumaba ka jan"! sabi ko ulit.

Muntik na akong mamatay!At hindi ko papalampasin ang atraso sa akin ng kung sinumang driver ng kotse.

"Ikaw tong may kasalanan at tatanga-tanga tapos ikaw pa tong masungit" kunot ang noong sabi ng nakababa na palang lalaki.

But oh man! He's damn gorgeous!

Para akong nakakita ng Greek god sa sobrang kagwapuhan nya.

Yung jaw line nya

Yung malamlam niyang mga mata

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon