Chapter 18 Hugs and Arguments

528 14 3
                                    

**MONICA's POV**

Kanina pa parang puputok ang pantog ko dahil kanina pa ako ihing-ihi pero wala akong pakialam kung magka urinary tract infection pa ako basta ang alam ko masaya ako sa mga bisig ni Lance

What important for me at this moment eh yung yakap ako ni Lance. Kaya nga natatakot akong gumalaw kasi baka magising ko siya. Hindi din ako nagmumulat ng mata para kunwari tulog pa ako para atleast may excuse ako kapag nagising siya at magkayakap kami.

Gusto kong ienjoy yung feeling na yakap niya ako. Ganito pala yung feeling kinakabahan ako pero andun yung thought na ang lapit nya lang sa akin.

For the last two nights na magkalapit kaming matulog naglagay ako ng unan sa pagitan naming dalawa para atleast hindi awkward. Pero kagabi I choose na hayaan na lang on how it supposed to be.

"Are you sure na matutulog ka sa kalapit ko ng walang unan between us"? naalala kong tanong ni Lance sa akin kagabi.

"I Know you're man enough kaya sure ako na wala kang gagawin to break the rule" yun ang naalala kong sabi ko sa kanya kagabi, naisip ko kasi na unfair sa part nya kung maglalagay pa ako ng unan sa pagitan namin, plus the fact na ayaw kong isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.

The fact na pumayag ako sa kasal, ibig sabihin nun ipinagkatiwala ko na din ang sarili ko sa kanya. Kasunduan man ang naging kasal hindi naman mababago nun yung katotohanan na nagpakasal kami.

"Paano kung hindi ako makapagpigil"? all smile niyang sabi, pero sure ako na nang-iinis lang siya

"Sisigaw ako"! yun ang sagot ko na tinawanan lang niya

"Anong nakakatawa"? naiinis ko namang tanong

"Ang Papa mo lang ang makakarinig sa atin, anong sasabihin mo niri-rape ka ng sarili mong asawa"? nagtatawa pa din niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo"!! nasabi ko na lang sabay talikod sa kanya Hindi na din naman siya umimik so I guess natulog kami kagabi ng magkatalikuran.

I don't know kung paanong magkayakap na kami ngayon gayong bukod sa magkatalikuran kaming natulog, nasa magkabilang dulo pa kami ng malaking kama.

Gusto ko sanang ipikit na lang ang mata ko until magising si Lance pero parang may naguudyok naman sa akin na titigan at panoodin siya habang natutulog.

I don't know kung gaano na ako nakatitig kay Lance until naramdaman ko na kumilos siya para mas mahigpit pa niya akong mayakap .At bago pa ako mabuking na nag-eenjoy sa yakap niya ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko.

Susulitin ko ang pagkakataon na nayayakap ko siya ng ganito.Dahil ang totoo gusto ko yung pakiramdam na napi-feel ko na mag-asawa kami.

I love the feeling of being near him dahil may naibibigay siyang feeling of security sa akin.

With him napi-feel ko na may pamilya ako.

"Huwag ka aalis ha!Huwag mo akong iiwan" sabi ni Lance, na nagpamulat ulit ng mga mata ko, when I look at him nakapikit naman sya.

It hurts na may ibang babae sa panaginip niya pero kung may isang bagay na dapat kong matutunan yun eh kung paano imamanage ang feelings ko towards him.

"Sino kaya sya"?tanong ko sa sarili habang nakatitig pa din kay Lance.

Kung sinuman man yung babae sa panaginip niya I must say na ang swerte niya dahil sa sub- conscious mind ni Lance siya ang nasa panaginip ng asawa ko.

Nasasaktan ako na ibang babae ang nasa isip niya gayong ako ang kayakap niya pero alam ko na wala akong magagawa para doon.

Noong pumayag ako na magpakasal sa kanya alam ko kung asan ako sa buhay niya pero hinihiling pa din ng puso ko na sana dumating yung araw na mahalin niya din ako.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon