Chapter 25 Reel to Real?

271 11 2
                                    


**Monica's Pov**

"Bakit natahimik ka"?tanong ni Lance

"Wala lang" sagot ko kahit na ang totoo hindi pa din ako nakakabawi dun sa huli niyang sinabi. Feeling ko nasa alapaap pa din ako.

Feeling ko walang kahit sino ang makakasira sa good mood ko ngayong gabi.

Wala kaming imikan habang kumakain pero ramdam ko yung mga titig ni Lance sa akin. Naiilang ako kaya hindi ko magawang salubungin ang mga titig niya. Buti na Lang at nagpa-alam siyang pupunta ng banyo.

Sinamantala ko naman yung chance para makakaing mabuti, ang totoo kasi kanina pa ako gutom. Hindi lang ako makakain ng maayos dahil sa presence ni Lance.

I'm busy eating kaya hindi ko napansin ang paglapit ng waiter.

"Flowers for you Mrs. De Vera" sabi  nung waiter habang inaabot sa akin ang isang bouquet ng flowers.

"Para sa akin to"?hindi ko ini-expect yun kaya nag-alangan akong tanggapin yung bulaklak.

"Yes po"! all smile na sabi nung waiter.

"Are you sure"?tanong ko pa din. Madami kasing tao sa restaurant kaya nag-alangan ako.

"Yes po Ma'am"!sagot uli nung waiter na napapakamot na ng ulo. Naiinis na siguro siya sa akin hindi lang makapag reklamo.

"Sinong nagpapabigay"?tanong ko

"Siya po"! sabay turo nung waiter sa likuran ko.

"Sino"?sabay lingon ko sa gawi nang itinuro niya, may kutob na ako kung kanino nanggaling pero iba pa din yung nakakasiguro.

Ayokong ma-hopia!

Nung magtama ang tingin namin ni Lance kumindat pa siya with a cute smile on his face.

Shocks! Ang gwapo niya!

At kinilig na ako  as if bago lang may magbibigay sa akin ng bulaklak.

   Ang lakas nang kabog ng dibdib ko nung nasa harap ko na si Lance.

"Ayaw bang tanggapin ng Mrs.ko"?baling na tanong ni Lance sa waiter.

"Opo Sir"!nagkakamot pa ding sabi nung waiter. And then eventually iniabot na kay Lance yung bouquet of flowers.

"Anong paandar mo Lance"?tanong ko kay Lance nung kami na lang ulit.

"Accept this muna" sabi ni Lance habang nakalahad sa akin yung bulaklak.

"Okey"! naisagot ko na lang pero pigil na pigil ko ang kilig. I was trembling pa yata nung tanggapin yung bulaklak.

"Pero para saan to"?hindi ko maiwasang itanong.

"Wala lang!"maikling sagot ni Lance.

"Para saan lahat ng ito Lance? You don't need to do this kasi wala namang dapat pakitaan na sweet ka sa akin"

"Kailangan bang may miron para mai-date kita"?

"Nakakapagtaka lang kasi? Hindi mo naman ako idinadate"

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon