Chapter 27 Pa-asa and Pa-fall

446 13 1
                                    

**Monica's Pov**

Christmas Eve na in a few hours at hindi maitatago sa aura ko ang kasiyahan. Paano ba naman?Kasama kong magse-celebrate ang mga importanteng tao sa buhay ko.

Papa decided to celebrate Christmas with me.

Mama Amelia decided stay with us

Papa Abelardo will come in time for Christmas Eve later

Leslie decided to stay in Manila

At syempre si Lance, I can't imagine myself celebrating Christmas nang wala siya. This is our first Christmas together.

"Hindi halatang excited ka"!tudyo ni Leslie sa akin

"Masaya lang ako" sabi ko kay Leslie habang nag-aayos kami ng lamesa.

"Kunsabagay!Parang kumpleto ka na sa lahat ng aspeto nang buhay mo! Okey kayo ni Sir Antonio, mabait sa'yo ang in laws mo! Masaya kayo ni Lance! Ano pang hahanapin mo"?

My life is perfect na para bang I can live my whole life like this. Sa current status nang buhay ko masaya ako na binago ako ng pagpapakasal ko kay Lance. Okey ako basta kasama ko sila. May mga worries din pero mas lamang yung masaya ako. Kung meron man akong kinatatakutan yun eh yung matapos ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ayokong i-entertain yung feeling na anytime maaring mabago na ulit ang mundo ko kapag naghiwalay na kami ni Lance pero pilit pa din siyang sumasagi sa isip ko.

"Alam natin pareho na pansamantala lang ito!" casual kong sabi.

"Paranoid ka lang?Sa nakikita kong kilos niyo ni Lance para namang okey kayo!Ang sweet sweet nyo kaya kahit ako nagdududa na sa kung ano ang pagpapanggap at totoo sa mga kinikilos nyo! No one will believe na fake lahat ng ito kapag nakita kayong magkasama"natatawang sabi ni Leslie

"Is it because, we act like a real couple kasi ayaw namin na may makahalata!"

"Umaacting na nga Lang ba?" tila nanunudyong sabi ni Leslie.

"On my part alam mo na yung sagot!Sabi nga cease the moment while it last para kapag wala na siya madami akong baon dito at dito" sabi ko na magkasunod na itinuro ang tapat ng puso at isip ko.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang aminin kay Lance na mahal mo na siya"?

"That's a No No for me Les! Ayaw kong magmukhang tanga pagkatapos, ayaw kong kaawaan niya. And besides mas mabilis tapusin ang charade kapag walang involve na feelings"

"Hindi ka ba nahihirapan"?

"Mas masakit kung malalaman niya pagkatapos he can't love me back!Mas gusto ko na yung ganito kami"

"Haays ewan ko ba!Naisip ko na lang tuloy sana pinakasalan mo na lang yung gusto ng Papa mo para sa'yo"!

"I will never marry a man that I don't love!"

"Baka magulat ka kapag nalaman mo na kung sino pala sya"mahinang sabi ni Leslie kaya hindi ko masyadong naintindihan.

"Are you saying something"?tanong ko.

"Wala"!sabi niya tsaka ako iniwan sa dining area. Minsan she's acting weird, everyday na yata niya akong pinupush na mag-confess ng feelings ko for Lance na para bang ganun lang kadaling gawin.

"Haays" sabi ko kasabay ng pagbuntong hininga. Nasa malalim akong pag-iisip kaya hindi ko na napansin na nakalapit na sa akin si Lance. At mas lalong nakakagulat na niyakap niya ako sa bewang mula sa aking likuran.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon